^

PSN Showbiz

Hiwalayan ng isang showbiz couple, may isyu ng bugbugan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagkakasanga-sanga na ang mga kuwentong pinag-uusapan tungkol sa mainit na isyung hiwalayan.

Apat na ba o limang couples ang pinag-uusapang hiwalay, at halos doon ay nakumpirma naming totoo nga. Hindi pa rin nagsasalita ang ilan sa kanila.

Tama rin naman! Mas mabu­ting tahimik na lang at harapin itong mabigat na desisyon ng kanilang relasyon.

Napapatulala na lang kami sa mga nakakarating na kuwento dahil hindi man kumpirmado, pero may naririnig kaming isyung diumano’y bugbugan, may demandahan, may pera, falling out of love, at ang nakakaloka, may isang babaeng itinuturong dahilan ng dalawang couples.

Ang sabi, ito rin daw si girl ang isa sa dahilan kaya nag-decide na si aktres na makipaghiwalay kay aktor.

Pero ngayon lang namin nalamang ito rin pala si girl ang isa sa mga dahilan kung bakit naghiwalay ang isa pang pares ng magkasintahang aktor at aktres.

Nakatrabaho kasi ni aktor itong si girl sa isang project at maaaring doon nagkatikiman o baka na­ging seryoso na kahit aware naman itong si girl na girlfriend ni aktor si aktres.

Ang siste, itong si aktres ay BFF ni isa pang aktres na nakipaghiwalay rin sa kasintahang aktor dahil sa girl na ito.

Grabe pala itong si girl!

Bea, may wish kay Lolit

Ang ganda ng nangyari sa birthday party ng CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na ginanap sa Luxent Hotel nung nakaraang Sabado ng hapon. Linggo, Nov. 26, talaga ang birthday ni Ms. Rei, pero nung Sabado niya ito ipinagdiwang kasama ang mga kaibigang entertainment media at ilang endorsers na close na sa kanya.

Ang saya ng mga pa-game at raffle pero ang sobrang ikinatuwa ni Ms. Rei ay ang pagbabati nina Bea Alonzo at Manay Lolit Solis na nagkita roon sa party.

Pinipigilan ko pa nga si Nay Lolit na huwag magnakaw ng eksena sa pagdating ni Bea at pagsama-sama ng mga endorser pero gustung-gusto na niya talagang lapitan si Bea. Nakita ko mismo si Bea na namataan na niyang papalapit na si Nay Lolit, kaya kaagad na siyang umalis sa grupo nila Ms. Rei para lumapit na rin sa talent manager.

Kitang-kita naman ang sincerity ng paghingi ni Nay Lolit ng sorry kay Bea at ang initial reaction ng aktres na gusto na rin nitong lapitan ang talent manager. Sabi nga ni Nay Lolit, “Ever since naman, hindi ako galit sa kanya. Kahit noon pa, sinasabi ko, kahit saan ko pa siya makita, magso-sorry ako. Talagang that time, pinaglaruan ko lang dahil naiirita ako sa isang taong malapit sa kanya.

“Talagang sabi ko, ‘bakit ko ba inaano itong si Bea e, hindi naman kami magka...ang ibig ko sabihin, hindi naman kami magka-close.

“Pero talagang kagagahan ko, tuluy-tuloy ‘yun e.”

Totoo ‘yung sinasabi niyang noon pa man ay sinasabihan na siya nina Lorna Tolentino, pati si Christopher de Leon na mabait si Bea, hindi niya ito dapat awayin.

Mensahe ni Bea kay Manay Lolit, “I wish you good health more than anything po. Totoo ‘yan!”

Siyempre, si Ms. Rei ang pinakamasaya nung mga oras na ‘yun dahil nahihirapan na rin siyang napapagitnaan siya ng dalawang taong mahal niya.

“Best birthday gift ever, kasi hindi ko kayang i-give up silang dalawa sa buhay ko. Kasi, love na love ko silang dalawa. Thank you, tita, for this, sobra!

Ang sarap! Happy birthday ito talaga,” saad ni Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Ang ganda ng mga eksenang pagbabati at sobrang ikinatuwa ‘yun ni Ms. Rei. Pero hindi rin siya nakaiwas sa intrigang nakatampuhan ang isa sa pinakapaborito niyang endorser.

Walang binanggit na pangalan, pero nakikita kay Ms. Rei na sumama ang loob nito.

Napapag-usapan na ‘yung isyu ng conflict ng ineendorso ng ilang endorsers nitong malapit sa kanya.

“Sabi ko naman sa inyo, basta’t mahal ako, walang hihiwalay. Pero alam n’yo sa tagal ko na rito, dun ko na-realize na hindi lahat na ipinapakita, ‘yung medyo ibabalik nila. So, natuto na ako sa part na ‘yun,” pakli niya.

Sabi pa ng CEO ng Beautederm, “Kasi ‘yung iba overlapping na ‘di ba? Kaya ‘yung customers, nahihilo na. Hindi na alam kung saan ba talaga ‘yung mga endorser. Ang dami na rin kasing skincare e. Meron sa isa, meron sa kabila. Walang forever talaga, saka siyempre ‘di ba? Sometimes, aminin natin trabaho naman talaga ‘yan.

“As long as hindi naman po conflict, walang problema sa akin kasi ang gusto ko naman maraming trabaho ‘yung mga anak-anakan ko e,” sabi pa ni Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Abangan na lang daw next year, may mga mawawala na siyang endorsers at may mga bagong mukhang ilulunsad, at marami raw pasabog ang Beautederm sa 2024.

vuukle comment

BEA

BFF

LOLIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with