^

PSN Showbiz

Lolit Solis at Bea Alonzo, nagkapatawaran

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lolit Solis at Bea Alonzo, nagkapatawaran
Ms. Rei Tan, Manay Lolit Solis at Bea Alonzo

Nag-ayos na sina Manay Lolit Solis at Bea Alonzo.

Sorpresang nagkita sila kahapon sa birthday celebration ng Beautederm CEO and president Ms. Rei Tan kahapon.

Isa si Bea sa more than 100 ambassadors ng kumpanya ni Ms. Rei. At kabilang si Bea sa dumating kahapon para magbigay ng mensahe kay Ms. Rei.

Si Nay Lolit naman ay malapit kay Ms. Rei at isa sa mga talagang laging andyan sa mga ginagawa ng batang CEO ng Beautederm.

Consistent naman si Nay Lolit sa pagsasabing wala siyang personal na galit kay Bea, hindi lang niya nagustuhan ang mga sinasabi ng manager nito.

Sa event din ng Beautederm nag-umpisa ang lahat nang ipa-ban ng manager ni Bea si Manay Lolit kasama kami ni Gorgy Rula.

Para kay Nay Lolit isa itong malaking pagpa-power trip dahil hindi naman ‘yun event ni Bea, kundi ng Beautederm.

Pinitik ni Nay Lolit sa panulat si Bea, pero bumanat ang manager nitong magdedemanda sila at kumokonsulta sila sa mga lawyer.

Mas lalong nag-init si Nay Lolit.

Na hindi pinalalampas ng kanyang manager sa pagpapa-interview sa PEP.

Hanggang dumating sa puntong pinatalsik si Nay Lolit sa samahan ng mga talent manager na PAMI (Professional Artists Managers Inc.).

Hanggang nagkaroon pa ng series of interviews ang manager ni Bea.

Pero nanatili namang magaganda ang sinasabi ni Bea kay Nay Lolit.

Kahapon naganap ang pagbabati nila.

Say ni Nay Lolit : “Kahit noon pa sinasabi ko, kahit saan tayo magkita, magso-sorry ako. Talagang that time, ang ano ko lang naiinis ako sa isang taong malapit sa kaniya.”

Hirit naman ni Bea “Unang beses ko po siyang na-meet ngayon sa personal. I’m happy na finally nagkita kami. Christmas na Christmas, nagmamahalan, nagkapatawaran.”

vuukle comment

ACTRESS

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with