Billy, nag-sorry kay Vice!
Bumalik sa It’s Showtime si Billy Crawford kasama si Coleen Garcia at anak nilang si Amari kahapon.
“Nahanap ko ang aking asawa at nabuo ang aking pamilya dahil sa programang ito,” banggit ni Billy na naging maintriga ang pag-alis doon.
Kasabay nito ay nanghingi siya ng tawad kay Vice. “On my end, I want to say ‘I’m sorry, I’m sorry madlang people, I’m sorry Kapamilya,” seryosong sabi ni Billy.
“Nagpapakumbaba lang ako na gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya,” dagdag niya.
Nagpasalamat din siya sa suporta ng madlang people at mensahe niya ulit kay Vice, “I just wanna say, Vice, I love you.”
Hanggang nagyakapan sila at nagpalakpakan ang lahat
Ayon kay Vice may taping daw si Billy nang oras na ‘yun ng The Voice pero gumawa ito ng paraan para makapunta sa anniversary presentation ng team ni Vice. “Sa sobrang kagustuhan niyang magpunta rito, siya talaga ang gumawa ng paraan para naririto siya kasi sabi niya, utang niya ‘to sa madlang people, gusto niya talaga kayong makita and we super appreciate it,” pahayag pa ni Vice.
Matagal ding nagkaroon misunderstanding sina Vice and Billy. Pero kinumpisal ni Billy na binilinan siya ng kanyang ama na dinalaw niya kamakailan sa America na makipag-ayos ito. “Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ang tatay ko sa mundong ito. Pero nagpa-realize sa akin, alam mo ba ang bilin niya sa akin is mag-ayos tayo,” saad ni Billy.
“Nu’ng sinabi ng daddy ko na ang request niya was part of that, it’s beyond my control, it’s beyond Vice’s control. I think, lahat ‘to, it was orchestrated by God,” pahayag niya.
- Latest