^

PSN Showbiz

Piolo, nabalikan ang mga pinasyalan nila ni Claudine

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo, nabalikan ang mga pinasyalan nila ni Claudine
Piolo

Nasa Italy na ngayon si Piolo Pascual para sa ASAP Natin ‘To Milan na gaganapin sa Mediolanum Forum, Assago, Italy sa Sept. 10.

Excited na ang aktor na muling makapagtanghal sa harap ng mga kababayang nasa Europe. “I’m excited because it’s such addition to ASAP Kapamilya na mag-show abroad and it’s been a while. I didn’t want to pass up on it. I just wanted to perform with our Kapamilya para sa mga kababayan natin sa Europa in general. I’m excited for that,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Ayon sa aktor ay talagang kaabang-abang ang lahat ng kanilang gagawin upang mapasaya ang lahat ng Kapamilyang manonood sa Linggo. “Marami, it’s a continuous show, buong hapon magpe-perform kami for them. So marami tayong mga guest artists. Marami tayong makakasama na talagang excited mag-perform for them. Lahat ng Kapamilya natin sa Italya, Europa, sana samahan n’yo kami sa Linggo kasama ng ating mga Kapamilya sa ASAP at ABS-CBN para sa ating ASAP Live sa Milan. I’ll see you there,” dagdag ng Ultimate Heartthrob.

Matatandaang sa Italya rin kinunan ang karamihan sa mga eksena sa pelikulang Milan na pinagbidahan nina Piolo at Claudine Barretto noong 2004.

Masayang-masaya ang aktor dahil muling nakabalik sa iba’t ibang lugar sa Italy. “Well, aside from the location of my movie before, malapit sa puso ko siya kasi nga marami rin tayong nakilalang Pinoy. Masarap na makita sila ulit,” pagtatapos ng aktor.

Vandolph, nanibago sa pagiging maangas

Mapapanood na tuwing gabi si Vandolph Quizon sa teleserser­yeng FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkatrabaho sina Vandolph at Coco sa isang proyekto. Napahanga umano ang anak nina Dolphy at Alma Moreno sa pagiging magaling na direktor ni Coco. “Overwhelmed, nagagalak na makasama ang grupo ng Batang Quiapo at makatrabaho si Coco. First time ko nakatrabaho si Direk Coco. Well, acquainted naman kami sa ABS before pero I can see na si direk Coco ay magaling na direktor. Hindi ako nagbubuhat ng bangko or something. He knows in his mind kung ano ang gagawin, the lines, the scenes. He tells the characters, the actors kung ano ang gusto niyang maramdaman. Si direk Coco, he gives you knowledge about the character. Para alam mo rin ‘yung atake kung paano. At the same time, ‘yung work place, napakabait ng mga tao, maalaga, ang sarap food. Napaka-professional at hindi pagod ang artista, ‘yon ang pinaka-importante,” pagbabahagi ni Vandolph.

Ginagampanan ng dating child star ang karakter ni Bong. Ayon kay Vandolph ay may pagkakontrabida ang kanyang pagganap sa serye. “Sa kulungan parang ako ‘yung siga. May grupo ako, ako ‘yung bata ng warden, na parang kami ‘yung bataan niya sa kulungan. Parang naghahari-harian sa loob ng kulungan. Noong pumasok ‘yung grupo ni Coco, parang ako ‘yung naging tinik sa kanila,” pagdedetalye niya.

Mahirap para kay Valdolph ang kanyang karakter sa serye. Nakasanayan na rin kasi ng aktor ang pagiging komedyante sa mga nagawang proyekto sa pelikula man o telebisyon. “As an actor, this is different. Kumbaga ang character ko dito is way beyond my characters in showbiz as comedian. Ngayon dapat medyo serious, dapat maangas. Dapat maramdaman ng tao ‘yung shift ng character ko. Challenging but nakaka-enjoy,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with