Direk Paul inaabangan kung itutuloy ang trabaho sa Malacañang, Toni naiuwi na ang bagong anak!
Inaabangan ngayon kung babalik na sa kanyang pwesto si Direk Paul Soriano - Presidential Adviser on Creative Communications.
Wala si Direk Paul sa nakaraang SONA dahil nga raw sa panganganak ng misis nitong si Toni Gonzaga na medyo nahirapan daw at muntik nang ma-CS.
Pero nakauuwi na ito ng bahay nila kasama ang kanilang baby na si Paulina Celestine.
Nasa Instagram story nga ni Toni ay andun na ito sa baby room nila.
Kasama sa kanyang ini-upload ang eldest nilang si Seve.
Though ang layo ng photo ng baby na nasa crib.
Si Direk Paul mismo ang nag-post noong August 11 na nanganak na nga ang misis niya.
Samantala, tinamaan naman si Alex pag-uwi nila ng bahay ng husband niyang si Mikee Morada.
Pero faith aniya ang kailangan.
“Coming home from our (niece’s) first birthday and visiting ate’s new baby.
“Today we celebrated and visited our siblings’ babies. It just hit me when we were watching TV together before we sleep. Always have faith (praying hands emoji),” sabi niya,
Dagdag niya “one day, we will not end a happy day with just the ‘two of us.’
Maalalang nagkaroon ng miscarriage si Alex.
- Latest