^

PSN Showbiz

Ivana, pinaghahandaan ang action

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, pinaghahandaan ang action
Ivana Alawi

Muling pumirma ng kontrata si Ivana Alawi sa ABS-CBN. Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil sa patuloy na tiwala at pagmamahal sa kanya ng pamunuan ng Kapamilya network.

Ayon sa aktres ay maraming proyekto ang kanyang nakatakdang gawin na kailangang pakaabangan ng mga tagahanga. “We’re doing teleseryes this year and meron ding mga movies. So ‘yon, maraming exciting projects na parating. I really want to try action. So nagdyi-gym na ako. I want to do action and horror,” pagbabahagi ng dalaga.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ni Ivana ang ilang Kapa­milya stars. “Si Sir Coco (Martin), I would really love to work with KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) and si Joshua Garcia. Kasi they’re very mahusay. Napakahusay nilang aktor and I would like to experience working with very talented actors,” pagtatapos ng aktres.

Ara, ‘di muna mag-aanak

Kamakailan ay naikwento ni Deborah Sun sa YouTube channel ni Snooky Serna ang tungkol sa pagpapatira nang libre sa condominium unit na pag-aari ni Ara Mina.

Emosyonal na naibahagi ng dating aktres ang ginagawang pagtulong ni Ara sa kanya hanggang ngayon.

Nagbigay naman ng reaksyon si Ara tungkol sa naging pahayag ni Deborah. “That was my first investment. Una ko siyang na-purchase mga 1997 or 1998, the time I left That’s Entertainment. Masarap tulungan si Tita Deb. She’s appreciative. Lagi niyang sinasabi papatayuan na kita ng monumento,” natatawang bungad ni Ara.

Kahit hindi magkadugo ay palagi raw may komunikasyon sa pagitan nina Ara at Deborah. Pitong taon nang naninirahan si Deborah sa unit ng aktres sa Cubao. “Everyday she sends me words of wisdom, bible verses. One time, tinawagan ko siya kasi I’ve never visited her. Pumunta ako doon one time pero hindi ako pumasok. Pero sobrang tagal na pala no’n. Sabi ko, ‘Kumusta na kayo diyan, video-han mo, Tita, para makita ko kung maayos ba diyan or may kulang pa kayo. So, ayun umiyak lang siya. Sabi niya, ‘Aayusin ko muna, anak.’ Sabi ko, ‘Huwag ka nang umiyak.’ Sabi niya, ‘Pinapaalis mo na ba ako? Sabi ko, ‘Hindi,’” kwento niya.

Samantala, mahigit dalawang taon nang kasal sina Ara at Dave Almarinez. Dahil abala sa kanya-kanyang mga trabaho ay sa susunod na taon pa plano ng mag-asawa na magkaroon ng sariling anak. “Ako na ang nag-request kay Dave na next year na kami magka-baby. Plinano namin na next year na. Kasi parang next year na talaga nakatadhana na magkaroon kami ng baby. Sabi naman niya, ‘Bigyan mo na ako ng date para magbakasyon naman tayo ng apat na araw bago tayo umariba muli sa trabaho. Itong July, we will have a date. Hindi ko pa alam kung saan kami kasi magbi-birthday na rin siya,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with