^

PSN Showbiz

Pops, nawalan ng confidence

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pops, nawalan ng confidence
Pops Fernandez

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ni Pops Fernandez ang kanyang ika-apat na dekada sa show business.

Ayon sa Concert Queen ay mahigit apatnapung taon na ang ipinamalagi niya sa industriya. “I think, honestly ha, over 40 years. Hindi ko po talaga matandaan kung anong year ba talaga ako nag-umpisa. But it’s safe to say 40 years since I started the concert scene. Mas nauna kasi ako kay Martin (Nievera) ng one year yata,” paglalahad ni Pops.

Masayang inalala ng singer kung paano siya nagsimula bilang isang recording artist. Bukod sa pagkanta ay sumabak din si Pops noon sa pag-arte sa harap ng kamera “Naging recording artist muna ako. Then I started guesting sa TV shows. Then nagkapelikula kami ni Rowell (Santiago) muna bago mag-Penthouse. Tapos no’n I guess it was destiny that I became part of Penthouse. Finally, I found my place under the sun or in the business ever since I started Penthouse. It was really parang the mark of the beginning of my career even though I started a few years before that,” pagbabahagi niya.

Malaki ang pasasalamat ni Pops sa lahat ng mga tagahangang walang-sawang sumusuporta sa lahat ng kanyang ginagawa. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umanong magkaroon ng isang special concert ng singer bilang selebrasyon ng kanyang ika-40 taong anibersaryo sa show business. “Nahiya kasi ako mag-celebrate. Medyo nawalan po ako ng confidence kasi medyo matagal na akong hindi nagko-concert. I am trying to gain my confidence back. But thank you sa inyong lahat po for the 40 years, actually for the 40 plus years. Sa lahat po ng mga sumusuporta pa rin sa akin,” pagtatapos ng Concert Queen.

Pokwang, ‘di kayang makipagbalikan kay Lee!

Kontrobersyal ang naging hiwalayan nina Pokwang at Lee O’Brian noong isang taon.

Nakaranas ng pamba-bash ang aktres dahil sa pagbabahagi ng kanyang nararamdaman sa social media. “Wala kasi kayo sa sitwasyon ko. Madaling sabihin, ‘Mag-move on ka na, bitter ka!’ Kasi hindi kayo nakakaranas ngayon ng pain. At ipagdasal n’yo na huwag mangyari sa inyo, sa mga kamag-anak n’yo, sa best friend n’yo. Sana huwag n’yong pagdaanan ang pinagdadaanan ko ngayon. Kasi walang sugat na malalim na takpan mo lang ng bandage ay okay na, no. Ang sugat naghi-heal ‘yan unti-unti. Hayaan n’yo lang ako sumigaw, kasi mahapdi. Sumapi muna kayo sa akin nang maramdaman n’yo,” makahulugang pahayag ni Pokwang sa YouTube channel ni Karen Davila.

Hindi na raw nakikita ng komedyana na makikipagbalikan pa sa dating nobyo.

Mahigit limang taong gulang na ngayon ang anak nina Pokwang at Lee na si Malia. “Hindi na, bakit pa? hindi naman niya kami pinili na, tama na. Ang masakit pa, kapwa ko babae ang naggaganyan sa akin, mga nanay. Nanay kayo, babae kayo, hindi n’yo ako nage-gets. Mas tanggap ko pa kung lalaki ang nangba-bash sa akin eh. Ako ‘yung agrabyado. Noong panahon na bago kami, ipinagtatanggol ko ‘yan sa social media. Sabi ko, ‘let’s give him a chance, hindi naman siya ganyan. Now, ako ‘yung nasasaktan, ako ‘yung naglalabas ng hinanakit ko. Ako pa ‘yung masama ngayon? Saan ako lulugar? It’s so unfair, kaysa sa pinakikialaman n’yo ang nararamdaman ko, magdasal kayo na huwag mangyari sa anak n’yong babae, sa kapatid n’yong babae,” giit ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with