^

PSN Showbiz

Sunshine, inakalang si Macky ang makakasama pagtanda

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, inakalang si Macky ang makakasama pagtanda
Sunshine Cruz at Macky Mathay
STAR/ File

Noong isang taon ay naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Sunshine Cruz at Macky Mathay. Hindi umano nagsalita ang aktres noon kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay upang hindi na madamay ang kanya-kanya nilang mga anak ni Macky. “Ang na-realize ko lang dito sa relationship and even with my ex-husband Cesar (Montano), tatlo ang importanteng bagay sa relationship, hindi lang love, dapat nando’n ang trust, nando’n ang respect. ‘Pag mayroong isang nawala do’n, it’s not going to work,” makahulugang pahayag ni Sunshine.

Ayon sa aktres ay hindi naman siya naging maramot upang magpatawad ng ilang beses sa mga dating nakarelasyon. “Sa edad kong ito na I am 45 years old, hindi na dapat pinapatagal. Of course, you give second chances. Third chance hanggang tenth pa nga na beses magbibigay ka eh. Pero at the end of the day, you wake up one day and mari-realize mo na wala nang patutunguhan ang relationship and you just have to be thankful for the years you’ve been together na naging maganda ‘yung pagsasama ninyo, nagmahalan kayo, naging inspirasyon kayo ng isa’t isa,” paglalahad niya.

Aminado naman si Sunshine na inakala niyang si Macky na ang makakasama sa kanyang pagtanda. Anim na taon ang inabot ng relasyon ng dating magkasintahan. “Of course, when I was with Cesar, I wanted to grow old with him. Gusto ko hanggang pagtanda ko siya na, gano’n din with Macky. After Cesar I waited. Actually, dumating na lang ‘yan eh. Almost four years separated ako kay Cesar nang dumating si Macky. I wanted to grow old with him as well. Pero kahit na magplano tayo sa buhay natin pero kung hindi talaga ‘yon ang destiny natin, hindi mangyayari. I just have to believe and I am sure na mayroong ibang plano si God para sa akin and kung ano man ‘yon hinintayin ko. Kung may dumating okay lang. Ang importante, nandiyan ang mga anak ko, mahal ako ng mga anak ko. Doon na lang nagpo-focus ako. I have work, hindi ako nawawalan ng proyekto and that’s all that matters,” pagtatapos ng aktres.

Catriona, nagulat sa ‘secret wedding’ nila ni Sam

Kamakailan ay pumutok ang balitang nagpakasal na diumano nang palihim sina Catriona Gray at Sam Milby.

Ikinagulat ng Miss Universe 2018 ang tungkol sa isyu. “Medyo nagulat ako kasi nakita ko ‘yung articles na married na ako daw. But I guess there are always going to be rumors naman,” nakangiting bungad ni Catriona.

Hindi naman ikinaila ng dalaga na talagang napag-uusapan na nila ni Sam ang tungkol sa kanilang pag-iisang-dibdib. Tatlong taon magkasintahan ngayon sina Catriona at Sam. “I think we have been together for long enough. We definitely talk about it. So let’s see,” maikling pahayag ng beauty queen. (Reports from JCC)

vuukle comment

MACKY MATHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with