^

PSN Showbiz

TV5 at ABS-CBN, may groundbreaking collab!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
TV5 at ABS-CBN, may groundbreaking collab!
Coco Martin

Mas pinalakas na primetime ngayong 2023 ang groundbreaking collaboration ng media giants na TV5 at ABS-CBN sa pagsisimula ng star-studded series Dirty Linen na patuloy na pinag-uusapan at sa pinakahihintay na pagbabalik ni Coco Martin sa FPJ’s Batang Quiapo, bilang paggunita sa 18th Death Anniversary ni Fernando Poe Jr.

 Nagsimula na sa TV5 noong Enero 23 ang Dirty Linen, na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo kasama ang all-star ensemble cast na pinangungunahan nina John Arcilla, Joel Torre, Janice de Belen, Francine Diaz, at Seth Fedelin, sa ilalim ng direksyon nila Onat Diaz at Andoy Ranay. Tampok din sa Dirty Linen ang special participation ng Golden Globe nominee na si Dolly de Leon at Harlem International Film Festival Winner na si Ruby Ruiz. Umiikot ang kwento nito sa pamilya Fiero na nanganganib ang buhay dahil sa mga naghahanap ng hustisya sa kasalanan ng kanilang pamilya.

Bukod sa Dirty Linen, may pasabog na handog ang TV5 at ABS-CBN para sa mga fans ng long-running TV series na FPJ’s Ang Probinsyano dahil muling magbabalik ang Primetime King na si Coco Martin sa TV adaptation ng 1986 action-comedy film ni Fernando Poe Jr., ang Batang Quiapo.

Bilang paggunita sa 18th Death Anniversary ni Fernando Poe Jr., nag-team up si Coco at Dreamscape Entertainment, kasama ang anak ni FPJ na si Lovi Poe, para sa isang promising, action-packed, at timeless na TV adaptation ng nasabing FPJ film.

Kasama rin sa cast ng FPJ’s Batang Quiapo sina Lito Lapid, Christopher de Leon, Susan Africa, John Estrada, Pen Medina, Cherry Pie Picache, Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, at Tommy Abuel. Sa direksyon nina Martin at Malu Sevilla, nakatakda itong ipalabas sa TV5 ngayong taon.

Since last year, masaya nang nakikinabang ang mga Kapatid at Kapamilya viewers sa collaboration ng TV5 at ABS-CBN dahil nae-enjoy nila ang top-notch free TV entertainment sa buong bansa.

Sa patuloy na pagpapalakas ng programming line-up ng TV5 kasama ang mga programa ng ABS-CBN, mas lalong kapana-panabik ang mga bagong kwento na tiyak na mae-enjoy ng buong pamilya.

 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with