^

PSN Showbiz

Nakakaubos at nakakapagod na relasyon, bida sa GNPN ng KimJe!

Pilipino Star Ngayon
Nakakaubos at nakakapagod na relasyon, bida sa GNPN ng KimJe!
Kim Molina at Jerald Napoles

MANILA, Philippines — Para makapag-settle down, willing ka bang mag-settle for less? O magiging matapang ka ba at tatalikuran ang nakakapagod at nakakaubos na relasyon dahil alam mong mas deserve mo ng more?

Ngayong bagong taon, inihahandog ng Viva Films ang una at isa sa marami nilang pelikula ngayong 2023. Abangan ang romantic-comedy movie na pinagbibidahan ng reel and real life team-up ng KimJe o sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Humanda nang magmahal at mahalin nang buong-buo, panoorin na ang Girlfriend Na Pwede Na ngayong Jan. 18, 2023, in cinemas nationwide.

Kilalanin si Pam (Kim Molina), ang girlfriend na pwede na, hindi sobra, hindi kulang, sakto lang.

Isang dalagang nasa late 20s, matagal na nitong pangarap na i-level up sa next chapter ang buhay niya at magpakasal sa  longtime boyfriend na si Jiggs (Gab Lagman), pero kahit na pitong taon ng magkarelasyon, kahit kailan ay hindi nagpahiwatig si Jiggs na mag-propose kay Pam.

Hindi pala sigurado ang binata kung si Pam na ba ang babaeng nakalaan para sa kanya. Malalaman ni Pam ang dahilan ni Jiggs, maiinsulto at masasaktan ito at makikipag-break sa boyfriend, pero pagsisisihan niya rin agad dahil alam niya sa sariling mahal pa rin niya ‘to.

Imbis na mag-move on, iisip ng plano si Pam para magkabalikan sila ni Jiggs at ma-realize nito na si Pam ang nakatadhana para sa kanya. Sa tulong ng mga kaibigan, hahanap sila ng perfect guy na pagseselosan ni Jiggs. Dito nila makikilala si Isko (Jerald Napoles), isang Buko Juice vendor, na sa kapalit ng malaking halaga ay papayag na magpanggap at maging perfect boyfriend ni Pam.

Pero ang fake at pilit na relasyon ng dalawa ay magiging masayang pagsasama dahil magkakasundo ang humor ni Pam at Isko, marami ring magiging similarities ang ugali nilang dalawa. Mapapansin naman ni Jiggs at ng mga kaibigan ni Pam ang pagbabago sa dalaga pati na ang closeness nila ni Isko.

Dito na magsisimulang magselos si Jiggs at susubukan mu­ling makipagbalikan kay Pam. Eto na sana ang perfect ending na hinahangad ni Pam na aayon sa mga plano niya, pero mag-iiba ang ihip ng hangin dahil napalapit na ang loob nito kay Isko at baka nga nahuhulog na rin ang loob nito sa binata.

Pipiliin ba ni Pam ang pamilyar na siya at kilala na ng puso niya? O ang bagong dating na nagpapasaya sa kanya? Si Jiggs pa rin ba ang gusto niyang pakasalan? O nabago na ba ni Isko ang isip niya?

Ang Girlfriend Na Pwede Na ay feel-good movie ni Benedict Mique na isang batikang screenwriter at filmmaker, na isa ring Gawad Urian nominated director para sa pelikula niyang ML noong 2018.

Panoorin ang pelikula ngayong Jan. 18, 2023, in cinemas nationwide.

vuukle comment

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with