^

PSN Showbiz

Geneva, nagtrabaho sa medical spa para sustentuhan ang mga anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Geneva, nagtrabaho sa medical spa para sustentuhan ang mga anak
Geneva Cruz

Malaki ang ipinagbago ng buhay ni Geneva Cruz mula nang manirahan sa Amerika sa loob ng anim na taon.

Ipinanganak ng singer noong 2014 si London sa dating kasintahan na si Lee Paulsen. Noong mga panahong iyon ay kinailangan daw si Geneva ng anak nila ni Paco Arespacochaga na si Heaven. “When I gave birth to my daughter London sa Amerika, it changed my life kasi my son needed me so I stayed for five more years. Dapat one year lang ako. I didn’t come home for a long time. My son needed me and during that time feeling ko ang dami kong pagkukulang sa binata kong anak. Kasi no’ng nagkahiwalay kami ni KC (Montero), do’n na siya natira sa Amerika and he was like 11 years old that time. So when I moved there when 18 years old na siya, we had a talk and I realized na kailangan ko bumawi,” kwento ni Geneva.

Hindi raw makalilimutan ng singer ang mga panahong nakasama ang panganay na anak. Ayon kay Geneva ay talagang nakabawi siya kay Heaven para sa maraming taon na hindi sila nagkasama. “’Yung mga bagay na ginagawa ng isang nanay para sa anak na hindi ko nagawa for a long time para sa anak nagawa ko sa Amerika. It was good. It was amazing. Kasi ‘pag 18 years old ang tao di ba parang mas maraming pinagdaraanan. Maraming confusion kasi you are growing up. ‘Yung emotions natin medyo parang hindi natin naha-handle. So it was a great bonding time for me and my son,” pagbabahagi niya.

Bilang isang single mom ay kinailangang humanap ni Geneva ng maayos na trabaho sa Amerika upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak. “I found a 9 to 5 job. I worked at a medical spa. I knew that I had to look for work. Hindi ‘yung pwedeng on the side meron lang concerts although malaki naman ‘yung bayad sa Filipino community around the U.S. pero iba pa rin ‘yung araw-araw na may trabaho lalo na if dalawa ‘yung anak mo at single mother ka. So ‘Yon ‘yung ginawa ko,” pagdedetalye ng singer.

Coco, inaasahang mahihirapan sa taping sa Quiapo

Sa susunod na taon ay sasabak nang muli si Coco Martin sa paggawa ng teleserye. Magbibida ang aktor sa FPJ’s Batang Quiapo kasama si Lovi Poe at Charo Santos-Concio. Matatandaang pinagbidahan noong 1986 ang pelikulang Batang Quiapo nina Fernando Poe, Jr. at Maricel Soriano.

Para kay Coco ay kailangan talagang pakaabangan ng mga manonood ang bagong serye. “Isa siyang napakagandang kwento, konsepto, kasi napaka-rich ng kultura. Kung ito ‘yung gusto o hinihingi ng mga tao, bakit hindi ito ‘yung ibibigay o ihahain namin sa ating mga manonood?” nakangiting pahayag ni Coco.

Bilang deboto ng Mahal na Poong Nazareno ay alam daw ng actor-director kung paano ang magiging taping ng kanilang buong grupo sa Quiapo. Kilala ang lugar dahil sa pagkakaroon ng maraming deboto rito. “Alam ko mahirap, sobrang stress, pero bahala na. Alam ko namang hindi ako pababayaan ng Diyos eh. Lahat ng mga artistang kasama ko rito, talagang lahat sila malalapit sa puso ko eh,” paglalahad ni Coco. (Reports from JCC)

GENEVA CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with