'True ba?': AJ Raval nanganak na sa baby nila ni Aljur Abrenica, ani Ogie Diaz

Litrato nina Aljur Abrenica (kaliwa) at AJ Raval (kanan)
Mula sa Instagram accounts nina Aljur Abrenica at AJ Raval

MANILA, Philippines — Matapos ang matagal-tagal na kontrobersiya, iniluwal na raw ng sexy actress na si AJ Raval ang kanilang anak ng aktor na si Aljur Abrenica, bagay na inilahad ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel.

"Nanganak na si AJ Raval noong November 18 or 19 diyan sa isang payak na hospital sa Pasig," wika ni Ogie nitong Linggo.

"Sinabi na nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ na noong idinating doon ay nakatakip ang mukha. Pero hindi siya do'n sa delivery room nag-deliver at ni-room-in na lang. Ibig sabihin kung saan siyang room doon na lang ginawa ang delivery."

Dagdag pa ni Ogie, nandun lang daw sa labas si Aljur habang nakasakay sa sasakyan madaling araw noong ika-19 ng Nobyembre. Natiyak daw ng source na si Aljur ang nasaksihan matapos magtanggal ng face mask ng aktor.

Bagama't nakatakip daw ang mukha ni AJ, nakuha naman daw siyang i-identify dahil sa kanyang tato sa dibdib.

Hulyo 2022 lang nang ibalita ng beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin na nagdadalang-tao si AJ. Dati nang iniintriga si AJ bilang dahilan sa hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla, bagay na itinanggi ng tanyag na Vivamax star.

Agosto lang nang humarap pa sa publiko si AJ matapos masangkot sa "pregnancy issue." Nag-live steam pa siya sa Instagram isang buwan bago ito upang pabulaanan ang mga balita.

Ika-26 lang ng Nobyembre nang makapag-post pa sa Instagram si AJ ng litrato katabi ang isang Christmas tree. 

Sa litratong in-upload naman sa IG ng aktres nitong Linggo, makikitang maliit naman ang kanyang tiyan at hindi mukhang buntis.

Agosto lang nang pasinungalingan ni Jeric Raval, tatay ni AJ, ang mga tsismis sa diumano'y pagdadalang-tao ng anak dahil sa patuloy daw siyang pagtratrabaho at shooting sa kabila ng lahat.

Pero kung sakaling buntis naman daw, wala naman daw isyu: "At least hindi pala siya baog." — James Relativo

Show comments