^

PSN Showbiz

Dalawang aso viral nang makipaglabing-labing sa set ng 'Unang Hirit'

Philstar.com
Dalawang aso viral nang makipaglabing-labing sa set ng 'Unang Hirit'
Kuha ng dalawang asong nagtatalik sa "Unang Hirit" nitong ika-15 ng Nobyembre, 2022
Video grab from MGA SUKOT NA BAGAY SA PILIPINAS

MANILA, Philippines — Naghagalpakan sa tawa ang netizens habang naeskandalo naman ang ilan matapos ang hindi inaasahang "maiinit na tagpo" ng dalawang asong nagbabanatan sa isang cooking segment sa morning news cast ng Kapuso channel.

Habang nagluluto ng hito fillet si Chef JR Royol sa "Unang Hirit" nitong ika-15 ng Nobyembre, nahagip kasi ng camera ng GMA-7 kung paano lasapin ng mga doggo ang putahe ng pagmamahalan.

 

 

Tumagal pa nang husto sa frame ang mga aso, na siyang nasa tabi ng nilulutong hitong binuhusan ng gata.

Kumalat tuloy ang memes tungkol impromptu X-rated love scene, pero agad itong in-edit out sa opisyal na footage na uploaded sa Youtube channel ng GMA Public Affairs.

 

Hindi tuloy maiwasang magkomento ang ilang netizens sa pag-zoom in ng GMA-7 sa eksenang "hindi papasa sa MTRCB" para mawala ang mga aso sa screen.

"Sinearch ko talaga to, dahil napanuod ko sa tiktok ung dalawang aso," sabi ng Youtuber user na si "bhern berbes" sa comments.

Wika naman ni "Sky?": "10/10 po yung food masarap daw po sabi ng dalawang aso dun sa gilid."

"Naka zoom in yung part na hinahanap ko HAHAAHABABAHAHAHAHAHAHA," pansin naman ni Carlos Emmanuel Verzosa.  — James Relativo

DOGS

UNANG HIRIT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with