^

PSN Showbiz

Sen. Bong, gustong makipagkumpetensya sa mga koreano

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nag-react ang ilang netizens sa nakaraang interview kay Sen. Bong Revilla sa kanyang blood letting program na ginanap sa Bacoor nung nakaraang Biyernes.

May binanggit kasi si Sen. Bong tungkol sa shows sa telebisyon na dapat lalo pang i-improve. Hindi porke’t wala raw kalaban ay hindi pagandahin ang content.

Ang buong akala nila ay pinatatamaan ni Sen. Bong ang GMA 7 na kung saan ay doon naman siya nagka-show, ang Agimat ng Agila.

Ang pagkakasabi ni Sen. Bong ay in general, hindi lang sa GMA kundi ang lahat na network ay pagandahin ang shows para pumantay o lagpasan pa ang foreign shows, lalo na ang mga programa ng bansang Korea.

“Kailangan sumabay tayo e,” pakli ng actor-politician.

“Dapat ang mga proyekto natin maga­ganda.

“Hindi lang target na dapat ipalabas lang sa Pilipinas. Dapat, pati sa ibang bansa.

“Kung nagagawa na ng Korea ngayon… isipin mo, hindi naman English sila magsalita, lenggwahe nila.

“’Yung mga Pilipino nag-aaral mag-Koreano. Ang mga Amerikano nag-aaral ng Koreano para maintindihan. Imagine?

“Kung kaya ng mga Koreano, we can also do it,” dagdag niyang pahayag.

Kailangan lang daw talaga na suportahan ito ng gobyerno, lalo na ang ating movie industry para mapansin na tayo globally.

“Aaralin natin ‘yan,” pakli niya.

“Ngayon kasi, focus muna… first year ng pangulo, focus muna sa food. Food security, gutom ang mga tao. Trabaho. ‘Yun ang mga dapat tutukan. Imprastraktura. Build, build, build. ‘Yun ang mga nagawa ng Pangulong Duterte ‘no? Grabe na mga proyekto. So, follow up ‘yun.

“By next year, bigyan natin ng pondo ‘yan. Ibangon natin ang industriya ng pelikula, para maka-compete tayo sa mga Korean,” sabi pa ni Sen. Bong.

Direk Brillante, makikipagtulungan kay Chair Tirso

Ito rin ang hinaing ni Direk Brillante Mendoza sa gobyerno na sana ay tulungan ang ating movie industry para makalaban naman sa foreign films na namamayagpag sa ibang bansa.

Nagparating siya ng mensahe sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) para maki­pagtulungan sa bagong umuupo ngayong chairman ng naturang ahensya na si Tirso Cruz III.

“Ako, nagri-reach out sa kanila.

“I keep writing them letters for the past several weeks, trying to meet the Chair.

“Kasi ako… kahit si Liza, kahit si Briccio Santos, I’m trying to reach out and collaborate na alam mo ‘yun sa mga head ng mga institution,” pakli ni Direk Brillante.

Sa ngayon ay wala pa raw siyang natatanggap na sagot mula sa tanggapan ni Chairperson Tirso. Pero umaasa siyang pakikinggan nito ang mga suhestiyon na ibibigay niya.

Sa ilang taon niyang pag-iikot sa international film festivals, nakikita raw niyang dapat talagang suportahan ng gobyerno ang ating movie industry, at malaki raw ang magagawa riyan ng FDCP.

“Kaya nga ang mga organisasyon katulad ng FDCP, they can do something about it. Kasi gobyerno sila e. Kasi, hindi mo naman maasahan ‘yan sa mga company na ang kanilang intensyon ay business. Because they are not here to alam mo ‘yun. Business ang kanilang objective e.

“Hindi naman ‘yan parang mamamayang Pilipino na mapanood para sa mamamayang Pilipino, hindi ang top priority nila ‘yun.

“Ang business ang sabi nga nila at the end of the day.

“Now, ang mga agencies, like the FDCP, we should uplift the… ano ‘yung Filipino quality. ‘Yung quality na paggawa ng Pilipino,” saad ni Direk Brillante.

Nakalulungkot lang daw na ang daming ginagawang pelikula ngayon para sa streaming, pero sobrang tinitipid. Nagsa-suffer daw tuloy ang kalidad ng isang pelikula, at hindi ito makakalaban sa ibang bansa.

“Maraming puwedeng gawin. Kasi kung tingnan natin… unang-una dapat matumbok natin ang mga pangangailangan ng filmmakers. Saka kung ano talaga ang objective natin. Ano ba talaga ‘yung objective natin?

“Depende kasi ‘yan sa objective ng isang institution e.

“Ano ba ‘yan, mag-concentrate ba tayo sa local? Tulungan ba natin ang local industry? I-uplift ba natin ang kabuhayan nila? Nasa kabuhayan ba nila tayo, o nasa education ba tayo. Long term ba o short term ang ating gusto? Global ba o local? So, maraming mga projects na puwedeng gawin. Depende sa intention at depende sa objective.

“So, kung ako ang tatanungin, global. Kasi, hindi puwedeng manatili lang kung ano ang ginagawa natin lalong-lalo na kung magku-concentrate ka rito sa Pilipinas na ang budget ng isang production ay napakaliit.

“Hindi ka maggu-grow. Kung global, kahit papano mabibigyan ka ng magandang production at alam mo ‘yun, you have to be serious and you have to be creative sa output mo.

“Hindi puwedeng malaking budget mo, malaking production, pangit naman ang output mo.

“Saka let’s face it, ang mga artista natin rito, hindi naman sila kilala globally. Ang mga Pilipino lang ang mga nakakakilala sa mga artista dito.

“If you want to make it big slowly ay dapat makilala hindi lang ‘yung artista, kundi ‘yung talent. The Filipino talent,” saad ni Direk Brillante Mendoza.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with