^

PSN Showbiz

'May hinanakit?': Dennis Padilla hindi binati nina Julia Barretto atbp. anak noong Father's Day

James Relativo - Philstar.com
'May hinanakit?': Dennis Padilla hindi binati nina Julia Barretto atbp. anak noong Father's Day
Litrato ng mag-amang sina Julia Barretto (kaliwa) at Dennis Padilla (kanan)
Mula sa Instagram account ni Dennis Padilla

MANILA, Philippines — Tila malungkot na sinalubong ng komedyanteng si Dennis Padilla ang Araw ng mga Ama, matapos niyang isiwalat na "nakalimutan" siyang batiin ng ilan niyang mga anak — gaya ng lang ng aktres na si Julia Barretto.

Ipinaskil niya ang pangungulila sa mga anak na sina Julia at Claudia sa Instagram, Miyerkules, bagay na kanyang binura rin agad online. Sa kabila nito, maraming naka-screenshot ng mga nabanggit na litrato't caption.

"Miss you both... You forgot to greet me last Sunday," sabi niya sa tinanggal nang IG posts at photos.

"Hehe!! Love you... God bless you more."

Samantala, kapansin-pansing nag-post ng Instagram story noong Linggo si Julia kasama ang nobyo at aktor na si Gerald Anderson at kanilang aso.

Nakuha pang batiin ni Julia si Gerald ng "Happy PAWther's Day."

Maliban kina Julia at Claudia, hindi rin siya nabati ng anak na si Leon.

Samantala, ipinakita naman ni Dennis ang kanyang appreciation sa pagbati sa kanya ng iba pa niyang mga anak, na siyang hindi raw nakalimot bumati sa kanya noong Father's Day.

Dati nang sinabi ni Dennis na labis siyang nasaktan nang tangkain ni Julia palitan ang kanyang apelido (Baldivia) patungong Barretto.

Una nang sinabi ng komedyante na masaya siya para sa relasyon nina Julia at Gerald, basta't huwag lang daw lolokohin ang kanyang anak.

Anak ni Dennis si Julia sa dating aktres na si Marjorie Barretto, na kilalang kapatid ng showbiz sisters na sina Claudine at Gretchen.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

FATHER'S DAY

JULIA BARRETTO

MARJORIE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with