^

PSN Showbiz

Ruffa, handa na uling bumalik sa Istanbul

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, handa na uling bumalik sa Istanbul
Ruffa
STAR/ File

Sa Friday ay birthday na ni Ruffa Gutierrez at malamang na mag-bonding lang sila ng mga anak na sina Lorin at Venice na babalik na ng bansa bukas mula sa Istanbul, Türkiye.

Alam mo, Ateng Salve, feeling ko, kapag nag-Christmas vacation sina Lorin at Venice sa Istanbul ay sasama na si Ruffa.

Actually, kaya hindi sumama si Ruffa sa Istanbul ay gusto talaga niyang maka-bonding muna nina Lorin at Venice si Yilmaz.

Of course, friends ang dating mag-asawa kahit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Nice.

Lovi, kilig na kilig kay Piolo

So kilig kung i-describe ni Lovi Poe ang una nilang pagtatambal ni Piolo Pascual sa Flower of Evil.

At ngayon ngang ipapalabas na ang kanilang Kapamilya teleserye, mas kinikilig si Lovi sa mga papuri sa kanya ng leading man.

Sa grand me­diacon nga noong Monday, ang daming magagandang sinabi ni Piolo about Lovi at bilib ang aktor sa sobrang galing at professional ng aktres.

Masaya rin si Piolo na natupad ang usapan nila ni Lovi noong magkasama sila sa wedding nina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa Paris, France some years back.

Doon pa lang ay pinag-usapan na nila ang possibility na magkatrabaho silang dalawa at ngayon nga ay may Flower of Evil na sila.

Robi, grabe ang PR

‘Katuwa itong si Robi Domingo.

Nang makita niya ako sa studio ng ABS-CBN last Monday para sa grand mediacon ng Flower of Evil kung saan siya ang nag-host, talaga namang kitang-kita sa kanya ang tuwa dahil noong nag-host siya ng presscon din ng Kapamilya Network ay via Zoom lang ako at nasa Los Angeles, California ako noon. Biro nga ni Robi, “Sana all.”

Mukhang excited na rin si Robi na magbiyahe na uli.

Noon nga, madalas ding mag-abroad ang TV host dahil sa ilang projects ng ABS-CBN.

Anyway, matutuwa ka sa pagiging sobrang ma-PR sa entertainment press, bloggers at vloggers ng Kapamilya TV host.

‘Yun na!

vuukle comment

LORIN

RUFFA

VENICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with