^

PSN Showbiz

Paulo at Janine, ayaw lang umamin

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Paulo at Janine, ayaw lang umamin
Janine at Paulo
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, may mga nangungulit sa akin kung ano raw ang ginawa nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noong Sunday and Monday na free day nila sa Los Angeles, California?

Ang alam ko, namasyal sila katulad din ng ibang mga kasama sa OA sa Love in the USA California concert tour ni Ogie Alcasid kung saan ang PauNine nga ang special guests.

Last Monday night, kasama namin ang promoter ng show na si Nathaly Rosalie at sabi lang niya sa amin, makikipagkita siya kina Paulo at Janine sa bandang West Hollywood.

In fairness, gustung-gusto ng mga Pinoy sa LA ang dalawa. Ang bait at ang sarap daw kasing katsikahan ng PauNine love team.

Anyway, ‘yung iba nga palang nangu­ngulit sa amin ay nagsasabing bakit hindi pa raw namin napapaamin sina Paulo at Janine tungkol sa relasyon nila?

Sabi ko naman, ayoko talagang usisahin sila tungkol sa bagay na ‘yon.

May iba naman na nagtatanong sa akin kung ano ba sa tingin ko sina Paulo at Janine?

Well, obvious naman na may something sa dalawa at halata ‘yon sa mga kilos nila, lalo na si Paulo na obvious na palaging masaya kapag katabi si Janine, huh!

Bongga!

Lani, sa Vegas muna maglalagi

Nasa Las Vegas, Nevada ngayon si Lani Misalucha.

Kagagaling lang nila ng Seattle, Washington kung saan ay nag-show siya with Nonoy Zuñiga.

May iba pa silang shows, pero umuwi nga muna sila ng mister niyang si Noli Misalucha sa bahay nila para naman makasama ang kanilang mga anak at mga apo.

Sabi, medyo matatagalan pa ang balik sa Philippines ni Lani.

Kasama pa rin daw si Lani sa The Clash ng GMA 7 at babalik lang siya sa atin kapag malapit nang magsimula ang bagong season ng nasabing reality singing contest.

PAULO AVELINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with