^

PSN Showbiz

Rez Cortez ooperahan bukas, posibleng may cancer sa atay

Philstar.com
Rez Cortez ooperahan bukas, posibleng may cancer sa atay
Litrato ng beteranong aktor na si Rez Cortez (kaliwa) kasama ang mga kapamilya at anak na si Cai Cortez (kanan)
Mula sa Instagram account ni Cai Cortez

MANILA, Philippines — Humihingi ngayon ng panalangin ang pamilya ng isang beteranong Pinoy actor, ngayong sasailalim ang nabanggit sa maselang surgery. 

Ayon sa aktres na si Cai Cortez, ooperahan ang kanyang amang si Rez bukas ng Miyerkules dahil sa pinaghihinalaang liver cancer.

"Please help us pray for daddy's successful surgery... dad has suspected liver cancer and he will be undergoing surgery tomorrow to remove the mass," wika ni Cai sa kanyang Instagram post, Martes.

"I believe that daddy is strong and his love for his apos will help him recover in no time."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cai Cortez (@caicortez)

 

Saad ni Cai, naniniwala siyang malaki ang magagawa ng dasal ng fans ng kanyang ama para na rin mapabilis ang pag-igi ng kanyang kalusugan.

Ipinaabot naman ng mga kasamahan nina Cai at Rez sa showbiz, gaya nina Baron Geisler, Jerald Napoles, Sanya Lopez, atbp., ang kanilang pagsuporta.

Gumaganap pa naman bilang Senator Ruiz si Rez sa Kapamilya serye na "Init sa Magdamag" ngayong 2021. Umarte rin siya bilang si PC/Supt. Rogelio Jacob sa "FPJ's Ang Probinsyano" ng parehong network taong 2016 hanggang 2017.

Taong 2013 lang nang manomina sa kategoryang "best supporting actor" si Rez sa critically-allaimed Cinemalaya film na "Bwakaw." — James Relativo

vuukle comment

CAI CORTEZ

CANCER

LIVER

REZ CORTEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with