_ngayon
^

PSN Showbiz

Klea nababaitan kay Barbie

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Klea nababaitan kay Barbie
Klea
STAR/ File

Kasama sa mga plano ng Kapuso star na si Klea Pineda ang maging beauty queen.

Next year kaya, handa na siya?

“Gusto ko po kasi, once na sumali ako, 100% ready na ako at naka-package na ‘ko for that. And ngayon, siguro ‘yung opportunities na naibibigay sa akin, du’n muna ako kuma-kapit, ‘yun muna ‘yung mga tinataggap ko dahil ayokong mawala ‘yung opportunity na ­ibinibigay sa akin ng GMA, lalo na ‘yung mga shows.

“And I’m sure naman, sa future, sa mga susunod na taon, susuportahan din ako ng GMA sa pagsali ko sa pageant,” banggit ni Klea sa ginanap na sa media conference pagkatapos ng renewal ng contract niya sa GMA Artist Center.

Miss Universe-Philippines ang target salihan ng Kapuso star tulad ni Kisses Delavin. “Eversince na tinatanong ako, Miss Universe po talaga.”

Samantala, mapapanood na uli si Klea sa seryeng Never Say Goodbye. Ang this time si Jak Roberto ang ka-partner niya.

Recently lang ay nag-trending nga ang photo nila ni Jack na magkaangkas sa motor kaya natanong siya kung di ba siya afraid na magselos si Barbie Forteza?  Nababaitan siya kay Barbie at alam naman daw niyang naiintindihan ito ng girlfriend ni Jak.

KLEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with