Cheryl Cosim namantal sa bakuna, pba player naghahanap kung saan magpapaturok
Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos Jr. kahapon na magpapatulong sila sa PBA players para ma-educate ang karamihan sa COVID-19 vaccines. “We really need media influencers if this is the case in some areas, athletes, for example, PBA players,” sabi nito sa isang interview.
Pero bago sana sila magpatulong sa PBA players, pa-vaccine muna nila ang mga player.
Nagtatanung-tanong ngayon ang isang PBA player kung saan siya magpapa-vaccine para makapasok sa bubble ng PBA. Pfizer diumano ang requirement sa PBA.
Anyway, marami pa ring hesitant magpabakuna sa kasalukuyan lalo na nga at may ibang nakakaranas ng side effect nito tulad ng TV5 news personality na si Cheryl Cosim na namantal at namaga ang labi matapos ang first dose niya ng AstraZeneca.
Makikita sa IG post nito ang nangyari sa mukha niya. Pero ‘di raw siya nananakot, ipinost niya lang ‘yun para mas maraming maging aware na puwedeng magkaroon ng side effect ang bakuna.
Yeng na-fake news sa ‘metamorphosis’ ni Olivia Rodrigo
Na-’fake news’ si Yeng Constantino ng international Fil-Am pop singer na si Olivia Rodrigo.
Super react kasi si Yeng sa isang tweet na sinabi diumano ni Olivia na ang Metamorphosis niya ang favorite OPM album nito.
Pero matapos ipagyabang ni Yeng, meme lang pala ‘yun at napa-ouch na lang siya. “Loko kang bata ka. Ika’y makakaltukan ko. Face with tears of joy.Umasa ko ng di very light ah. Mejo UMASA ko dun. Pinagmayabang ko pa sa tropa ko kanina sa discord habang naglalaro ng ML! “Huy pinakinggan daw ni Olivia album kong Metamorphosis”! ” tweet ni Yeng na inactive sa kasalukuyan.
Angelica ayaw tantanan
Grabe na ang bashing kay Angelica Panganiban na pati ang katawan niya ay pinipintas-pintasan. Naka-bikini kasi si Angelica at kita ang butt.
At ayun naisyuhan. Sinasabing super laspag na raw. Ouch. Naging big deal ang pagiging reklamadora ni Angelica nang magpa-swab ang partner niya sa Subic.
- Latest