^

PSN Showbiz

Misis ng aktor na may edad na, mahigpit pa sa handler ang attitude sa fans!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagkukuwento tungkol sa kakaibang ugali ng isang kilalang male personality. Mga dating katrabaho niya ang pinanggagalingan ng mga kuwento.

Matagal na nagtrabaho sa isang network ang medyo nagkakaedad nang aktor, tumagal din ang programa nila ng isang popular na female personality sa ere, kaya napakatagal nilang nakatrabaho ang may kasupladuhang lalaki.

Kuwento ng isang source, “Hindi siya ma-PR, pagdating niya sa set, e, ang trabaho lang niya ang inaasikaso niya. Hindi siya ‘yung typical personality na babati muna sa staff and crew bago magbasa ng script.

“Okey lang ‘yun nu’ng una, kasi, talaga namang baguhan pa lang siya. Pero sa tagal na katrabaho nila ang male personality, e, wala siyang ipinagbago,” unang kuwento ng aming impormante.

Mahirap kunong pakisamahan ang lalaking persona­lidad dahil hindi alam ng mga kasamahan niya kung okey siya o hindi. Basta wala lang siyang kibo.

“Parang may sariling mundo rin siya, e, ganu’n ang dating niya sa mga co-stars niya, lalo na sa staff. Kung hindi mo siya kakausapin, e, hindi siya kumikibo.

“Kapag break nila, e, hindi rin siya nakikihalubilo sa mga tao sa set, nandu’n lang siya sa dressing room niya. Wala siyang interaction kahit kanino.

“Nakakaloka siya kung tutuusin, mahirap kapain ang ugali niya, meron nga siyang sariling mundo!” madiin pang kuwento ng aming source.

Heto na. Paminsan-minsan ay kailangang lumabas ang mga artista ng programa para sa kanilang promo. Kasama niya sa mall tour ang misis niya.

Chika uli ng aming source, “Ganu’n din ang nangyayari. Ang wife niya naman ang kinaiinisan ng mga faney! Siya kasi ang nagbabawal kapag pinagkakaguluhan na ng mga fans ang husband niya.

“Masyadong protective si ma’m, ayaw niyang mina-mob ang mister niya, dahil baka nga naman masaktan. Mas mahigpit pa ang wife niya kesa sa handler niya na pumapayag na paikutan siya ng mga fans!

“Ngayong lumundag na sa ibang network ang medyo nagkakaedad nang male personality, e, siguradong mapapansin din ‘yun ng mga katrabaho niya, pramis!

“’Yun na kasi talaga siya, ‘yun na ang naturalesa niya. Alam niya naman ang pinasok niyang mundo, pero wala siyang pakialam sa mga faney na dahilan ng pagsikat ng mga artista!” nakataas ang kilay na kuwento ng pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Tonyboy Cojuangco, matindi Ang sampalataya kay Gretchen

Halos tatlong dekada na ang relasyon ngayon nina Mr. Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto. Sa mga relasyong showbiz, kahit hindi naman artista kundi negosyante ang karelasyon ni Gretchen, ay hindi na biro ang dalawampu’t pitong taon.

Matatag na ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan, kahit pa sabihing hanggang ngayon naman ay hindi pa rin pinakakasalan ni TBC ang aktres, ang halos tatlong dekadang relasyon ay napakatibay nang maituturing.

Ang equestrian na si Denise Cojuangco ang misis ng businessman, ayon sa mga kuwento-kuwento ay hindi raw talaga nito ibibigay ang titulo bilang misis ni Gretchen, kahit pa magkaanak na sila ni TBC nang sangkatutak.

Maraming nagkokomento na habambuhay na lang daw na magiging mistress si Gretchen. Walang pagkakataon para maging legal ang pagmamahalan nila ni TBC.

Pero kung iisipin, ang dalawampu’t pitong taon ng pagsasama bilang magkarelasyon ay kakabog sa napakaraming romansang dumaan sa bendisyon ng kasal, paano nga kaya nagtagal ang relasyon nina Gretchen at TBC?

Ang dami-dami nang personalidad na naugnay kay Gretchen, bukod sa mga artista ay meron pang negosyante rin na tulad ni Atong Ang, pero buo pa rin ang relasyon nila ni Tonyboy Cojuangco.

Sobrang martyr nga ba ang negosyante para basta-basta palampasin na lang nito ang mga pinaggagagawang kontrobersiya ni Gretchen?

Pero sabi nga ni TBC bilang sagot sa tanong ng anak nilang si Dominique, “Always agree with the Mama. The Mama is always right.”

‘Yun daw ang dahilan kung bakit pagkatapos nang maraming taon ay sila pa rin hanggang ngayon. Parang lumalabas na sunud-sunuran lang ang businessman kay Gretchen.

Magputukan man ang lahat ng bulkan sa buong mundo, matuyuan man ng tubig ang mga ilog at batis maging ang malawak na dagat, ay hindi na makakatagpo pa ng lalaking tulad ni Tonyboy Cojuangco si Gretchen Barretto.

Sobra-sobra ang kayamanan, tahimik lang at maunawain, at naniniwala ito na Gretchen is always right.

vuukle comment

TONYBOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with