^

PSN Showbiz

Angeline naiinggit kina Sarah and KZ

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline naiinggit kina Sarah and KZ
Angeline

Masayang-masaya si Angeline Quinto para sa mga kaibigang sina Sarah Geronimo at KZ Tandingan dahil malapit nang magpakasal ang mga ito. Minsan na rin umanong natanong ni Sarah si Angeline kung kailan naman siya magkakaroon ng kasintahan at magbabalak magpakasal. “Actually may mga time talaga na nakakapagkwentuhan kami pero messages lang, tawag, gano’n. So ngayon natuwa ako kasi parang minsan biniro niya ako, na parang, ‘Angge, kailan na?’ So parang sabi ko, ‘Wrong send ka ba?’” natatawang kuwento ni Angeline.

Aminado ang singer na minsan ay nakararamdam na rin siya ng inggit dahil  magsisipag-asawa na ang mga kaibigan. “Nando’n ‘yung naiinggit ako. Kasi siyempre halos lahat ng mga kasama ko, si KZ kailan lang din engaged na siya, si Sarah din. So ang dami din po talaga nagtatanong sa akin. ‘Angge, kailan ka na ba?’ Siguro kagaya nga po ng palagi kong sinasagot, pinagpi-pray ko naman,” pagtatapat ng dalaga.

Umaasa naman si Angeline na makakakilala pa rin ng lalaking lubos na magmamahal sa kanya. Ngayon ay 30 taong gulang na ang singer at naniniwalang nasa tamang edad na upang lumagay sa tahimik. “Ang hinahanap ko siyempre unang-una ‘yung pagmamahal na ibinibigay ko kay Mama Bob sana gano’n din. At tanggap kung ano ‘yung nakaraan ko. At siguro ‘yung mapagmahal din sa pamilya niya. Hindi naman ako choosy sa itsura. Gusto ko kasi talaga na kung magkakaroon man po ako ng mapapangasawa na, siyempre nasa tamang edad na rin naman po ako. Hindi na rin po ako bata. Gusto ko rin po kasi kung makilala ko man ‘yung tamang tao, ayoko na kasi ‘yung pa-sweet-sweet effect eh. ‘Yung gusto ko ‘yung seryoso talaga, ‘yung maipapakilala ko na sa Mama Bob. Kasi ang Mama Bob ko naman, talagang willing na siya. Honestly, si Mama iniisip ko talaga. siyempre habang buhay pa ako sabi niya, ‘Gusto ko maabutan ko ‘yung apo ko.’ Saka feeling ko kasi si Mama Bob magiging masaya siya sa buhay kung may bata,” pagbabahagi ng singer.

Janella at Joshua super excited magkasama na uli

Sa Sabado ay muling magtatambal sina Janella Salvador at Joshua Garcia sa Maalaala Mo Kaya. Matatandaang huling nagkatambal ang dalawa sa teleseryeng The Killer Bride na nagtapos kamakailan. “We are actually super excited kasi nga this is our first time to work together sa MMK naman. Cheerleader kami pareho. Doon kami nag-meet, ‘yon ‘yung story nila. Fun siya kasi challenging ‘yung role,” paglalahad ni Janella.

Malaki ang pasasalamat ng tambalan ng JoshNella sa mga tagahangang patuloy na sumusuporta sa kanilang mga ginagawa. “Sobrang thankful kami kasi nakakatuwa na after matapos ng Killer Bride, mas lalo pa silang lumakas and mas naging united. We are very excited to be able to work with each other more pa and make them happy,” dagdag pa ng aktres.

“Sobrang thankful lang ako na ang daming sumusuporta sa amin. Ang sipag ng fans eh, nakikita ko sa Twitter, lagi sila nagpapa-trending,” nakangiting pahayag naman ni Joshua. (Reports from JCC)

ANGELINE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with