AiAi bibida sa ninang
AiAi
AiAi bibida sa ninang
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2019 - 12:00am

SEEN: Na-pull out na sa ibang mga sinehan ang mga pelikula na kalahok sa 45th Metro Manila Film Festival na hindi tinatangkilik ng moviegoers. Nadagdagan naman ang bilang ng mga sinehan ng filmfest entries na pinipilahan sa box office. Business is business. Kailangan ng theater owners na kumita ng pera dahil may mga empleyado sila na pinasusuweldo at kuryente na binabayaran.

SCENE: Gumagawa ng pelikula ang mga movie producer dahil bukod sa naniniwala sila na maganda ang kanilang mga project, gustung-gusto rin nila na kumita para mabawi ang malaking puhunan. Walang movie producer na gumawa ng pelikula dahil gusto nila na malugi lamang.

SEEN: Pinagkaguluhan sina Aga Muhlach, Bela Padilla, Mon Confiado at Xia Vigor sa theater tour nila noong Huwebes nang hapon. Personal na pinasalamatan ng Miracle in Cell No.7 stars ang lahat ng mga nanood sa kanilang pelikula.

SCENE: Napatunayan ni Aga Muhlach na talagang malakas ang Miracle in Cell No.7 dahil walang bakanteng silya sa mga sinehan na pinuntahan nila ng kanyang mga co-star. Co-producer siya ng pelikula.

SEEN: Hindi ito ang unang pagkakataon na nahuli ang dating actress na si Jenny Roa sa pagdo-droga dahil nadakip na rin siya noon habang nakatambay sa footbridge sa kanto ng Aurora Boulevard at Edsa sa Cubao, Quezon City. Inamin noon ni Roa na nagbebenta siya ng panandalian na aliw.

SCENE: Ang Ninang na pinagbibidahan ni AiAi Delas Alas ang unang pelikula ng Regal Entertainment Inc. at mapapanood ito sa mga sinehan sa January 2020. Co-stars ni AiAi sa Ninang sina Kisses deLavin, McCoy de Leon at Mariel de Leon. Romance comedy ang genre nito.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with