Dianne & Rodjun
Dianne at Rodjun kasal na!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2019 - 12:00am

SCENE: Dahil sa anniversary post kahapon ni Arjo Atayde sa Instagram, nalaman ng publiko na opisyal na nagsimula noong December 21, 2018 ang relasyon nila ni Maine Mendoza at “Babs” ang term of endearment niya sa kanyang girlfriend.

SEEN: Heartwarming ang music video ng sariling version nina Bela Padilla at Xia Vigor sa Tag-Araw, ang official soundtrack ng Miracle in Cell No.7.

SCENE: Kabilang si Cesar Montano sa mga pararangalan bilang Hall of Famer ng 45th Metro Manila Film Festival. Tiniyak niyang dadalo siya sa Gabi ng Parangal. Sina Congresswoman Vilma Santos-Recto, Amy Austria, Nora Aunor at Christopher de Leon ang kasama ni Cesar bilang Hall of Famers.

SEEN: Sina Sanya Lopez at Martin del Rosario ang featured guests sa Simbang Gabi, Simbang Tabi, ang Christmas presentation ng Dear Uge na mapapanood ngayong hapon.

SCENE: Dismayado ang isang aktor dahil kinatay nang husto ang mga eksena niya sa pelikula na kalahok sa MFFF 2019.

SEEN: Naganap kahapon sa Manila Cathedral ang church wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina. Sina Alden Richards, Yasmien Kurdi, Marco Alcaraz, Joross Gamboa at Kris­toffer Martin ang ilan sa mga celebrity na secondary sponsors. Kasama naman ang mag-asawang Hayden Kho, Jr. at Dra. Vicki Belo sa principal sponsors.

DIANNE MEDINA RODJUN CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with