^

PSN Showbiz

Marian tutulong din sa pagpo-promote ng ‘Pinas’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian tutulong din sa pagpo-promote ng �Pinas�
Rhea & Marian

After Bohol, sinabi ni Marian Rivera na mag-iikot din sila sa iba pang magagandang lugar sa Pilipinas.

Yup, as in mag-e-explore din sila sa local spots.

Mukha ngang hindi na lang sa mga sinusuot niya magiging ‘local’ si Mrs. Dantes, pati sa pagpo-promote ng tourism sa bansa ay kakarerin na niya.

Recently lang ay nakita siyang nakipag-meeting kay Department of Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat.

Nag-enjoy nga ang Dantes squad sa kanilang short vacation sa Bohol recently at nakita pang sumasayaw si Marian sa sikat na floating restaurant habang nagko-cruise sa Loboc River in Bohol. “Wala talagang kupas She still got it!“ sabi ni Dong sa kanyang IG habang nagsasayaw ang misis na may hawak na kutsarita.

Anyway, ang bilis lang ng mga pangyayari. The other day ay nagkaroon ng renewal of contract si Marian with Reverie by Beautéderm Home line.

Ang partnership sa pagitan ng Beautéderm at ni Marian ay nagsimula last year na ayon kay Ms. Rhea Anicoche-Tan, President at CEO of Beautederm Corporation, sobra ang naitulong ni Marian para mas mabilis makilala ang kanilang home products.

“Maligaya ako sa pag-represent ng Beautéderm Home,” sabi ni Marian.

“Pamilya ko na po ang Beautéderm Home. At home ako tuwing kasama ko sila at katrabaho ko sila. Laging siniguro ni Rhea na lagi akong kumportable at sobrang halaga sa akin ng partnership ko sa kanya,”  kuwento ng actress na nagwi-wish ng marami pang anak.

Dagdag naman ni Ms. Rhea : “Beautéderm Home and Marian are currently developing new products na idadagdag sa line dahil sa tagumpay ng Reverie.” “Ramdam namin sa Beautéderm ang ‘Marian fever’ nung ni-launch namin siya last year at patuloy pa rin naming nararamdaman ito dahil sa very good sales ng Reverie.

“At ang nakakatuwa kay Marian mahal niya ‘yung ini-endorse niya. Lagi siyang nagtatanong kung ok ba ang benta,” dagdag pa ni Ms. Rhea.

Anyway, wish pa ni Marian ng mara­ming anak pero hindi raw muna ngayon dahil gusto muna nilang i-enjoy ang moments with Zia and Ziggy lalo na ngayong papasok na si Zia sa big school.

 

vuukle comment

RHEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with