^

PSN Showbiz

Mga palabas sa online streaming sites sasalain na ng MTRCB?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mga palabas sa online streaming sites sasalain na ng MTRCB?!
Rachel

Agree naman ang halos lahat na senador sa binabalak na isama na ang mga online streaming services sa ire-regulate ng MTRCB.

Ito ang isa sa napag-usapan sa budget hearing ng MTRCB na kung saan binanggit ng MTRCB Chairperson Atty. Rachel Arenas na hindi nila sakop ang ganitong online streaming gaya ng Netflix, Iwant, Iflix, at iba pang platforms.

Aware naman daw si Chairman Arenas na may ibang batas daw silang sinusundan na iba sa ating bansa.

“I think what I understand is they outsource the reviewers which we cannot do. So we told them during their meeting that they should adopt our rating system,” pahayag ni Chair Arenas.

Sabi pa niya, kung maa-amend daw ang batas na puwede rin daw nilang ma-review ang mga ipinapalabas sa naturang services.

Kaya posibleng sasakupin na rin ito ng MTRCB kung ano ang napagdesisyunan sa Senado at nasa plenary na rin ng Kongreso.

Ito ang isa sa binuksang usapin ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat bigyang pansin, dahil mas madali nga namang panoorin ito sa TV.

Kayang-kaya ng mga kabataang buksan ito sa TV ng kanilang tahanan. Kaya dapat na nga raw itong mapag-usapan.

Ang isa sa binigyang halimbawa ni Sen. Gatchalian ay ang pelikulang Eerie ng Star Cinema na kung saan ang bida raw ng pelikulang ito na si Bea Alonzo na tumatalakay sa mental illness.

“I really think that mental health is a prevailing and an increasing concern in our country. And it’s now cascading all the way to our school, all the way to basic education,” saad ni Sen. Gatchalian sa panayam sa kanya ng Pep.ph.

Hindi nga maitatangging pinagdadaanan na ng mga kabataan ngayon ang mental illness at dapat maintindihan itong mabuti bago nila mapanood sa TV.

Sabi ni Sen. Bong Revilla dapat ngang sakupin na ito ng MTRCB dahil marami na raw mga napapanood sa ganung online streaming na madaling panoorin ng mga kabataan.

Dagdag ni Sen. Cynthia Villar, bilang isang magulang dapat daw na alam ng nila kung anong klaseng palabas ang pinapanood ng mga kabataan.

Pero so far, hindi pa raw ito nakarating sa Senado at dumaan sa tamang proseso.

Kung aaksyunan ito kaagad ng MTRCB, mai-screen na nga kung anong klaseng palabas ang napapanood ng mga bata sa loob ng bahay.

Betong dedma ‘pag napapagkamalang bading

So far, ang dami nang nag-confirm na magi-guest sa kauna-unahan at birthday concert na rin ng Kapuso comedian na si Betong Sumaya, ang Betong’s Amazing Concert: Try Ko lang Ha? na gaganapin sa Music Museum sa November 21.

Sa dami na raw ng guests niya, baka hindi na raw iisipin ng mga manonood na concert niya iyun.

Pero kinakarir ni Betong ang bawat segment na gagawin niya.

Isa na rito ang Antonieta na madalas niyang ginagawa dati sa Bubble Gang.

Hinihintay na lang daw niya ang isang special guest na sasampal sa kanya.

Ang karakter niyang Antonieta ang isa sa tinuturong dahilan kung bakit napa­pagdudahan siyang bading.

Wala naman daw siyang magagawa kung ano ang iisipin ng mga tao sa kanya. Ang mahalaga ay mas kilala raw niya ang sarili.

“Kung ano man yung opinyon nila tungkol dun, iginagalang ko naman po yun, hindi ko naman mapipilit kung ano ang gusto nilang isipin. Pero ang importante, alam ko naman sa sarili ko kung ano talaga yung gusto ko.

“So, sa akin naman hindi na po ako nagugulat,” sabi pa ni Betong.

Single raw siya ngayon at naniniwala siyang kung darating ang tamang babae para sa kanya, darating talaga ito.

Ang isa sa inamin ni Betong na minahal niya noon ay si Patricia Javier.

Isang school daw sila noon sa Antipolo at hindi lang niya ma-explain kung anong klase ng relasyon ang namagitan sa kanila noon.

Sa katunayan, isa sa inaayos na sana mag-guest sa kanya ay si Patricia.

Kung sakaling mai-in love daw siya uli at makipagrelasyon, kung maaari lang, ayaw na raw sana niya ng taga-showbiz.

“Minsan kasi ang dami nating naririnig na hindi nagwu-work eh,” pakli niya.

vuukle comment

MTRCB

RACHEL ARENAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with