^

PSN Showbiz

Totoong sakitan nina Ryza at Sunshine, nabuhay!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Totoong sakitan nina Ryza  at Sunshine, nabuhay!
Sunshine Dizon at Ryza Cenon

Nang mabasa namin ang item sa pagi­ging maldita ni Ryza Cenon sa kanyang mga katrabaho, naalala namin ang kwento noong may Ika-6 Na Utos pa at noong nasa GMA-7 pa si Ryza.

May cat fight sina Ryza at Sunshine Dizon na gumaganap na magkaribal sa soap at ang tsika, totohanang nagkasakitan ang dalawa at si Sunshine ang mas nasaktan. Hindi na lang ipinasulat ang balita kahit nakarating sa mga reporter dahil baka makaapekto sa airing ng hit soap.

Kaya hanggang natapos ang Ika-6 Na Utos, hindi nga nasulat ang insidente, kaya hindi na rin natanong sina Sunshine at Ryza.

Ngayon kaya, ‘pag tinanong si Sunshine, aaminin kaya nito na nagkasakitan sila ni Ryza and ganun din si Ryza?

Bunso ng DongYan 61 ang godparents

Ang dami palang god parents ni Ziggy Dantes, ang baby boy nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil may 31 ninong at 30 ninang si Ziggy. Ang dami niyang second dad and second mom. Kabilang sa ninang si Boobay na matagal ng kaibigan ni Ma­rian at si Celeste Tuviera, anak ni Mr. Tony Tuviera at lahat ng sisters ni Dingdong.

Nabanggit na rin lang si Dingdong, nag-first ta­ping na ito at mga kasama sa cast ng Descendants of the Sun. Bukod kay Dingdong, nakita namin sa photo sina Rocco Nacino, Paul Salas at iba pang gumaganap na sundalo sa DOTS.

Pero, hinihintay pa rin ang announcement kung sino ang gaganap na Dr. Kang at makakapareha ni Dingdong. Nabalitang si Jennylyn Mercado ang makakapareha ni Dingdong, may nabalita namang si Kylie Padilla ang unang na-consider sa role ni Dr. Kang, kaya lang, buntis daw ang aktres, kaya pinalitan.

May tsika ring si Marian pa rin ang makakapareha ni Dingdong, pwede na raw itong magtrabaho lalo’t bumalik na sa Tadhana.

Ang mabuting gawin, hintayin na lang natin ang announcement ng GMA-7 kung sino talaga ang makakapareha ni Dingdong sa DOTS.

Bea at Angelica nag-bonding sa sine

Dumating sina Bea Alonzo at Joshua Garcia sa premiere night ng Hello, Love, Goodbye na ginanap sa Cinema 3 ng SM Megamall last Tuesday. Pero, wala yatang nakapag-interview sa dalawa at kahit ma-interview, hindi sila magsasalita sa isyu kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Nakita namin sa loob ng sinehan na magkalapit ang upuan nina Bea at Angelica Panganiban at masaya silang nagkukuwentuhan. Hindi namin nakita kung saan pumuwesto si Joshua, sana lang, nagkatabi sila ni Alden Richards at nakunan ng litrato. Kapag may picture na magkatabi, doon makikita kung talagang magkamukha sila.

vuukle comment

RYZA CENON

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with