^

PSN Showbiz

Claudine hindi nakakabayad ng utang kay Jinkee Pacquiao?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Claudine hindi nakakabayad ng utang kay Jinkee Pacquiao?!
Claudine at Jinkee Pacquiao

Masaya at maraming naging pasabog na balita at komento ang second episode ng first digital talkshow ng Pilipino Star Ngayon na Take It... Per Minute! hosted by Nay Cristy Fermin and Nay Lolit Solis.

Isa sa nagulat ako ay ang isyung may utang diumano si Claudine Barretto kay Jinkee Pacquiao.

Pinag-usapan kasi nila ang tungkol sa nangyaring reconcilation sa pagitan nina Gretchen and Claudine na common know­ledge na ngayon na nang mahospital ang pinaka-bunsong Barretto ay si Gretchen ang nag-asikaso at sumagot sa lahat ng gastusin.

Naungkat na rin sa nasabing usapan na maging ang isang producer ay nagkautang noon ng P12 million kay Mrs. Pacquiao. Pinabantayan pa raw ito noon ni  Jinkee sa mga pulis at inisip na ang pag-aaring building na lang ng producer ang ibayad sa kanila. Pero ang nasabing building pala ay nakasanla sa bangko.

Kuwento ni Nay Cristy, casino ang dahilan kaya nabangkarote ang nasabing movie producer na nangapital din noon sa life story ng mister ni Jinkee na si Sen. Manny Pacquiao.

Speaking of casino, nabanggit din ni Nay Cristy na nagkaroon pala ng pagkakataon na naging laman ng casino ang basketbolistang si Terrence Romeo.

Buti na lang daw at nakilala nito ang misis na nito ngayong si Pia Romeo na nagbigay ng suot na blouse ni Nay Lolit kahapon kaya naungkat ang nasabing isyu.

Bait na bait kasi si Nay Lolit na kahit ‘di pa raw sila nagkikita ay parang friends na sila.

Anyway, hindi naman makonek ni Nay Lolit kung bakit nga ba kumakampi kay Nicko Falcis si Gretchen.

At ito, may source din si Nay Cristy na diumano’y bumili ng condo ang mag-syotang sina Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.

Nakita raw ang magkarelasyong nagpunta sa isang high end condominium para  nga i-check ang kinuha nilang unit. May exact building ang source ni Nay Cristy.

“Ha pinayagan siya ng nanay niya,” hirit ni Nay Lolit.

Pinag-usapan din nila ang tungkol sa kambal nina Mar Roxas and Korina.

Bumisita naman sa taping kahapon na ginanap sa Obra Ni Nanay Gallery na pag-aari ni Nay Cristy si Mel Martinez and Patricia Javier.

Si Mel ay may dalang tinapay na business pala niya ngayon. Pero wala silang mga bakery, sa online lang sila nagbebenta.

Si Patricia naman ay hindi nagtagal pero todo raw ang paghahanda niya sa sasalihan niyang Mrs. Universe.

Naipit sa isang sortie si Sen. JV Ejercito kaya hindi ito nakarating sa second episode ng Take It... Per Minute kung saan siya sana ang guest.

Anyway, iba na talaga ang digital program ngayon. Mas madaling makarating sa ibang bansa.

Ang mga kamag-anak ni Nay Cristy at Nay Lolit sa Amerika, nakatutok sila.  Bandang 11:00 p.m. doon.

Ang dami ring comments and feedbacks na magkasama na sa isang talkshow ang dalawang totoong reyna ng mga showbiz intriga.

Sa digital platform lang pala mangyayari eh ang tagal na naging magkatapat ang show nila sa ABS-CBN and GMA 7.

Abangan ang susunod na episode sa Martes ng Take It... Per Minute, 12:00 to 1:00.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with