^

PSN Showbiz

Bela, hindi tumulong sa script ng sariling serye

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bela, hindi tumulong sa script   ng sariling serye
Bela

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatrabaho sina Bela Padilla at Jodi Sta. Maria sa teleseryeng Mea Culpa.

Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang bagong proyekto. “Actually I started already my new show for ABS-CBN, ‘yung Mea Culpa directed by Dan Villegas. First time ko din nakatrabaho si Ms. Jodi Sta. Maria. So I’m very excited and eere na kami very, very soon,” bungad ni Bela.

Aminado ang dalaga na tala­gang napahanga siya sa pagi­ging isang magaling na aktres ni Jodi. “Wala pa kaming eksena together, nahiya nga ako eh. Ang na-shoot pa lang namin ay teaser. And so far ang sarap niya kaeksena kasi grabe siya magbigay, pero teaser pa lang ‘yon. So gusto ko makita kung ano ang kakalabasan ‘pag mismong taping na,” paglalahad ni Bela.

Aktibo rin ang aktres sa pagsusulat ng scipts para sa mga pelikula pero ayon kay Bela ay hindi niya kayang tumulong para sa script ng nasabing serye. “For Mea Culpa, wala. In writings, medyo mahirap ang trabaho, araw-araw ‘yung script no’n, and may sinusulat din akong script ngayon for Star Cinema. So doon ako ngayon naka-focus,” pagbabahagi ng aktres.

JM, napapahagulgol sa sobrang saya

Malaki ang pasasalamat ni JM de Guzman sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya. Noong isang taon ay nagtapos ang teleseryeng Araw-Gabi na pinagbidahan ng aktor at Barbie Imperial. Nakatakda namang magtambal ngayon sina JM at Arci Muñoz sa teleseryeng Project Kapalaran. “Masaya, minsan humahagulgol ako sa sobrang saya. Naka-lock jaw ako do’n, gusto kong ibigay ang best ko for every project. It’s really hard for me to find the right words, how to describe how grateful I am for giving me another chance. Hindi ko ma-describe ‘yung feeling ko kung gaano ako ka-motivated and hungry, to give them back ‘yung deserve nila na trabaho and professionalism. I’ll be the best employee that I can be,” nakangiting pahayag ni JM.

Aminado ang aktor na nahihirapan din siya sa paiba-ibang karakter na kanyang ginagawa para sa iba’t ibang proyekto.

“As much as I can, gusto kong ma-mirror siya sa totoong buhay talaga. Sana magawa ko nang maayos, mahirap din,” pagtatapat niya. “Ang importante lang naman ay ‘yung growth, kung ano ‘yung mga matututunan ko mula sa ibang mga katrabaho ko. Mapa-veteran, mapabago, may matututunan ka sa kanila eh. ‘Yon lang ang habol ko for now para maging dependable artist ako,” dagdag pa ng aktor.

Bukod sa bagong serye ay magtatambal din sina JM at Arci sa pelikulang Last Full Show.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with