Janella at Elmo nanahimik ang buhay!
Janella at Elmo nanahimik ang buhay!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2019 - 12:00am

Isa sa mainit na pinag-usapan nung taong nagtapos (2018) ay ang pananakit umano ni Elmo Magalona sa kanyang ka-loveteam at rumored girlfriend na si Janella Salvador na siyang naging daan ng kanilang paghihiwalay.  Ga­nito rin ang nangyari sa break-up nina Barbie Im­perial at Paul Salas. Although parehong ipinakita sa social media nina Barbie at Janella ang dahilan ng kanilang magkakahiwalay na pasa sa ilang parte ng kanilang katawan, walang inaming pananakit na nagmula kina Elmo at Paul.

 

Since 2019 na, tiyak na may kani-kanya nang direksiyon ang respective careers nina Janella, El­mo, Barbie at Paul.  Si Paul ay lumipat na sa bakuran ng GMA habang sina Janella, Elmo at Barbie ay nananatiling Kapamilya.

Bago nagtapos ang taong 2018, nakita si Janella na kasama si Marco Gumabao na naging dahilan para mag-react ang netizens. Dahil dito, personal na nag-apologize si Marco kay Elmo at mukhang back- off muna si Marco sa anumang intention niya kay Janella.

Last November naman ay nagkaroon ng gap ang rumored sweethearts na sina Barbie at JM dahil sa reaction ng netizens na meron umanong ugnayan si JM sa kanyang co-star sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala na si Rhian Ramos. Pero mukhang hindi tumigil si JM sa kanyang panunuyo sa kanyang Araw-Gabi co-star na si Barbie matapos itong mag-post ng picture na magkasama silang dalawa at mukhang nagkaayos na.

Pag-amin nakatulong sa pelikula

Naging positibo ang pagtanggap ng kanilang fans and the public in gene­ral ang sabay na pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang relasyon na mahigit limang taon na pala. 

At nakatulong ito sa malaking tagumpay ng kanilang pelikulang The Hows of Us na kumita sa takilya ng P800-M na siyang sumira sa box office record, making their movie the highest grossing Filipino film of all time.

Nanatiling Newsmaker…

Kahit magta-tatlong taon nang wala sa mainstream TV si Kris Aquino, nanatili pa rin ang pagiging newsmaker nito nung nakaraang taon.

Pinag-usapan ang kanyang cameo role sa hit Hollywood movie na Crazy Rich Asians na tinampukan ng all-Asian cast at dinirek ni Jon M. Chu and was released worldwide including the Philippines nung nakaraang August.

Bago nagtapos ang taong 2018 ay naging malaking balita ang panloloko umano kay Kris ng dati niyang business executive na siyang head ng kanyang production company, ang Kris Aquino Cojuangco Productions (KACP) na kanyang kinasuhan ng 44 times of qualified theft sa pitong magkakahiwalay na siyudad ng Metro Manila.

Samantala, kahit wala nang regular show si Kris sa telebisyon ay nagpa­tuloy pa rin ang kanyang pagiging in-demand celebrity endorser. Dumaraan din si Kris sa health crisis sa kasalukuyan.

Mga nanood ng Rainbow’s… ‘di nagsisi!

Pinanood namin ang pelikulang Rainbow’s Sunset na tinampukan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa kasama sina Tirzo Cruz III, Aiko Melendez at Sunshine Cruz at kung saan may special participation ang Kapuso talent na si Max Collins. Ang nasabing pelikula ay dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan under Heaven’s Best Entertainment.

Hindi man puno ang sinehan, sigurado kaming nag-enjoy ang lahat ng nasa loob dahil pagkatapos ng screening ng movie ay nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng sinehan kaya hindi kami nagtaka kung bakit ito humakot ng napakaraming awards nung nakaraang gabi ng parangal ng Metro Manila Flm Festival (MMFF).

ELMO MAGALONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with