^

PSN Showbiz

Cesar nangayayat!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Cesar nangayayat!
Cesar

Kris sinisisi sa mababang kita ng pelikula nila ng Joshlia

SEEN: Napahiya at nakokonsyensya ang bashers na nagkakalat ng balita na gimmick lamang ang pagkakaroon ng dengue ni Baeby Baste dahil kinumpirma ng kanyang ina na nagkaroon ng mga kumpli­kasyon sa kalusugan ng child actor. 

SCENE: Ang pagkakaroon ng video scandal ang common denominator nina Arjo Atayde at Joross Gamboa. Magkasama sina Arjo at Joross sa BuyBust at magkatabi sila sa presscon ng pelikula. 

SEEN: Late si Ysabelle Peach Caparas sa presscon kahapon ng Jacqueline Comes Home dahil naipit siya sa trapik mula Alabang hanggang Quezon City. Si Peach ang direktor ng pelikula nina Donnalyn Bartolome at Meg Imperial. 

SCENE: Ang paliwanag ni Meg Imperial na ibang mga tao lang ang nagpalaki ng isyu tungkol sa rumored feud nila ni Roxanne Barcelo, ang co-star niya sa Abay Babes. Matalik na magkaibigan ang mga karakter nina Meg at Roxanne sa Abay Babes. 

SEEN: Sina Alma Moreno at Joel Torre ang gumanap na magulang nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome sa Jacqueline Comes Home. Thankful ang dalawa dahil nabigyan sila ng oportunidad na makatrabaho ang mga veteran actor. 

SCENE: Si Kris Aquino ang itinuturo na dahilan kaya lower than expected ang box office gross ng I Love You Hater, ang pelikula nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Hindi natuwa ang public sa mga publicity stunt ni Kris. 

SCENE: Pumayat at bumata ang itsura ni Cesar Montano mula nang mag-resign siya bilang Chief Operating Office ng Tourism Promotions Board dahil nabawasan ang stress niya. 

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with