^

PSN Showbiz

Coco may bibilihing property sa isla worth P250 million!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coco may bibilihing property sa isla worth P250 million!
Coco

Super yaman na talaga

Narinig ko kahapon ang balita na balak ni Coco Martin na bilhin ang isang villa sa Balesin island na worth P250 million.

Why not? Can afford si Coco na bumili ng expensive property dahil sure na malaki na ang ipon niya.

Yumaman si Coco dahil sa sipag, tiyaga at sariling sikap. Karapatan niya na mamuhay nang komportable dahil kung anuman ang meron siya nga­yon, talagang pinaghirapan ni Coco na isa sa mga highest-paid actor sa local showbiz.

Sosyal na lugar ang Balesin island at richie rich ang mga member nito. Less than thirty minutes ang plane ride mula Manila patungo sa Balesin island na favorite vacation place ng mga rich and famous. I’m sure, welcome na welcome si Coco na maging member at magkaroon ng sariling property sa Balesin island dahil pasado siya sa lahat ng requirements.

VM Joy at Cong. Alfred Pasado awardee!

Nagpapasalamat si Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa pamunuan ng Gawad Pasado 2018 dahil sa parangal na ipinagkaloob sa kanya, ang Pinakapasadong Lingkod Bayan.

Co-awardee ni Alfred si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa gabi ng parangal ng 20th Gawad Pasado na ginanap noong Sabado, May 19, sa National Teachers College, Manila.

“Thank you, Lord, for this public service award I received. Thank you, 20th Gawad Pasado 2018 for recognizing me as the ‘Pinakapasadong Lingkod Bayan’ together with Vice Mayor Joy Belmonte of QC. I’m inspired and honored! Service to humanity is the best work of life!” ang pasasalamat ni Alfred na bida sa pelikulang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na nanalo na Pinakapasadong Pelikula sa Pagpapahalaga sa Edukasyon.

Meghan dati lang turista sa UK

Pinanood ko uli noong Linggo ang replay ng Royal Wedding nina Prince Harry at Meghan Markle sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle.

Ikinasal ang dalawa noong Sabado at mula noon, paulit-ulit ang replay sa CNN at BBC ng kanilang pinag-uusapan na pag-iisang dibdib.

Nang una kong makita sa TV ang wedding gown ni Meghan, sobrang ordinaryo ng damit niya sa paningin ko.

Pero sa replay at second viewing noong Linggo, gandang-ganda na ako sa kanyang simple but very elegant bridal dress.

Walang ipinagkaiba ang wedding gown ni Meghan sa My 2 Mommies ng Regal Entertainment Inc. Marami ang nagsabi kina Eric Quizon at Mother Lily Monteverde na mas maganda ang My 2 Mommies sa second viewing kaya certified blockbuster ang pelikula na extended ang showing sa mga sinehan.

Napansin ko rin ang confidence ni Meghan kaya lalong lumutang ang kagandahan niya. Inggit na inggit kay Meghan ang mga kababaihan na patuloy na naghahanap ng mga mhin na magiging forever nila.

Dahil kay Meghan, nabuhayan sila ng pag-asa na darating ang araw na matatagpuan din nila ang kanilang mga prince charming.

Role model at inspirasyon nila si Meghan na isang divorcee pero nakahanap pa rin ng ideal partner na isang prinsipe na pinagpapantasyahan ng maraming babae sa buong mundo.

Sino nga ba naman ang mag-aakala na dating turista si Meghan sa United Kingdom at nagpakuha ng litrato sa harap ng Buckingham Palace noong bagets pa siya pero ngayon, misis na ng isang prinsipe at insider na ng palasyo?

vuukle comment

ALFRED VARGAS

COCO MARTIN

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with