^

PSN Showbiz

John Lloyd ginastusan ng malaki ang singsing ni Ellen!

SANGA-SANGANDILA - Pilipino Star Ngayon

Baka pagbalik ni John Lloyd Cruz ng kanyang trabaho ay kasal na sila ni Ellen Adarna. O baka naman sa showbiz maganap ang kanilang magarbong ka­sa­lan. Kung sa singsing pa lamang ay handa nang itodo ng aktor ang gastos, sa kasal pa kaya ito magtitipid? Siyempre hindi, ‘di ba?

Kung ang napakabongga niyang karera sa pag-aartista ay inilagay niya sa alanganin sa pagbubun­yag ng mga ginagawa niya, ang wedding pa ba nila ang kanilang ililihim?

At sigurado nang sa altar sila hahantong dahil ayon sa isang reliable source, bumibili na ang aktor ng singsing para sa sexy actress.

Senior citizen na driver pinatulog ng pasahero

Naiyak naman ako sa isang episode ng Mission Possible na ihinu-host ni Julius Babao. Hindi naman malungkot ang kuwento ng isang 69 years old na taxi driver na binigyan ng bagong sasakyan kapalit ng mga lumang sa­sak­yang minamaneho nito. Bukod sa nasabing pamalit sa ipinapasada niyang taksi, tumanggap din siya ng isang sari-sari store showcase. Matutupad na niya ang pangarap na tumigil sa kanyang pamamasada at maging operator na lamang ng sarili niyang PUV at patakbuhin ang kanyang tindahan.

Karaniwang nabibigyan ng biyaya sa programa ni Julius na napapanood tuwing Lunes ng gabi sa ABS-CBN ay mga good samaritan. Marami ring may kapansanan na nagpipilit mamuhay ng maayos at kung sinu-sino pa. Pero first time kong makapanood ng isang taxi driver na sa halip na siya ang maghatid ng kanyang babaeng pasahero ay ito ang nagprisinta na i-drive ang taxi. Pinabababa kasi ng driver ang pasahero dahil inaantok ito at hindi na kaya pang maghatid. Sa halip na bumaba ang pasahero ay nag-suggest ito na siya na lamang ang mag-drive at pinatulog sa likod ng sasakyan ang driver.

First time ‘yun na makakita ako ng ganung sitwasyon paano ka hindi maiiyak?

Jak tanggap na hindi pa sila puwedeng lumantad ni Barbie

Kapag natapos ang pagpapalabas ng movie ng kanyang rumored girlfriend na si Barbie Forteza ay maaari nang aminin ni Jak Roberto ang maganda nilang relasyon. Kinailangan kasi niyang itago ito para hindi makaapekto sa pelikula ni Barbie na si Ken Chan ang katambal.

At kahit naman walang movie si Barbie ay mini-maintain ng dalawa ang kanilang privacy na hindi karaniwang ginagawa ng magsyota sa showbiz.

Malawak ang isip ng Kapuso newbie na tangga­ping may reel romance at screen partner si Barbie. 

Patrick at Erich napaniwala ang televiewers

Sa kabila ng pangyayaring mabilis na paglaki ng pamilya ni Patrick Garcia, nagawa niyang makumbinse ang televiewers sa maganda niyang portrayal ng lalaking may sakit sa utak sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kapartner si Erich Gonzales.

Effective naman silang  magkapareha at nagawa nilang mapaniwala ang mga manonood  sa kanilang tandem.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with