Magandang aktres nagbabasa ng libro kahit nire-retouch ang make up
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2017 - 12:00am

Dala raw kaya ng pagkakaedad na ang ipinakikitang hindi kagandahang ugali ng isang magandang aktres? Mas madalas kasing hindi maganda ang timplada ng kanyang ugali, nakasimangot na siya ay mahirap pang ispilengin, ano nga ba ang bitbit na problema sa buhay ng female personality na ito?

Mahilig siyang magbasa ng libro, ‘yun na talaga ang ginagawa niya sa pagitan ng kanyang trabaho, pero madalas na nagiging problema para sa mga make-up artist ang pagiging bookworm niya.

Kuwento ng isang source, “Nice nga sana dahil sa halip na kung anu-ano ang pinagkakainteresan niya, e, nagbabasa na lang siya ng libro. Marami siyang baong books sa set, may love story, may science fiction, may action at meron ding horror.

“Ang galing nga niya, ‘di ba? Talagang nakahiligan na niya ang pagbabasa, kaya kita n’yo naman kung sumagot siya sa mga interview, ang dami-dami niyang alam!

“Malaki ang nagagawa ng pagbabasa sa tao, lumalawak ang pananaw niya, dagdag-talino ‘yun, kaya maraming natutuwa para sa kanya,” simulang kuwento ng impormante.

Pero ang mga make-up artist ang nahihirapan sa female personality. Kapag nagbabasa kasi siya ay ayaw niyang mag-angat ng ulo, tutok pa rin ang mukha niya sa librong ayaw niyang bitiwan kapag naumpisahan na niya, malaking dusa ‘yun sa nagre-retouch sa kanya.

“Imadyinin n’yo siya habang nagbabasa. ‘Di ba, nakadukdok ang face niya sa libro? E, ire-retouch na siya, hirap na hirap ang make-up artist dahil ayaw niyang tigilan ang pagbabasa!

“Ang ending, nakasalampak sa sahig ang make-up artist, tinitiyempuhan niya na lang kung kailan mag-aangat ng ulo si ____(pangalan ng magandang aktres), dahil ayaw niya talagang ibaba ang hawak niyang libro.

“Nagkakaedad na siya, pero in fairness, super-ganda pa rin niya. Ibang-iba ang beauty niya, parang napaka-sweet, nagiging sour lang ‘yun kapag naiimbiyerna sa kanya ang mga make-up artist!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Nora napulot lang sa iba ang paninira ni Vice?!

Inuupakan si Vice Ganda sa social media ng mga loyalista ni Nora Aunor. Sumosobra na raw kasi ang kabastusan ng komedyante-TV host. ‘Yun daw ang dahilan kung bakit biglang nag-back out ang Superstar sa pagiging hurado ng grand finals ng Tawag Ng Tanghalan.

At ang masakit pa ay ikinukumpara si Vice ngayon kay Kris Aquino. Huwag daw masyadong maging kampante sa kanyang popularidad ngayon si Vice dahil baka mangyari rin sa kanya ang naging kapalaran ni Kris sa ABS-CBN.

Sabi pa ng isang basher ni Vice Ganda, “Napakayabang niya! Lahat na lang, binabastos niya! Aabangan na lang namin ang pagbagsak mo! Remember, kung si Kris Aquino nga, nawalan ng career sa Dos, ikaw pa kaya?” sabi nito.

Pero kung mapapansin ay wala namang eksaktong depinisyon ng kabastusan ni Vice ang Superstar. Basta, alam daw nito na nagpaparinig sa kanya si Vice, kung ano ‘yun ay hindi naman masabi nang eksakto ng aktres.

Mahirap makipag-argumento kapag puro kuwento-kuwento lang ang ating pinagbabasehan. Hindi eksakto ang ganu’ng istorya lang. Puwedeng may dagdag at puwedeng may kulang.

Huwag nagpapaniwala agad sa mga salitang isinasalin lang sa iba-ibang bibig. At kung sakali ngang minsan ay naparinggan ng komedyante-TV host si Nora, sa mga panahong ito ba naman ay kailangan pa nitong magtago ng galit sa kanyang dibdib, mamemersonal pa ba naman si Nora?

E, sa lokal na aliwan na nagdalaga at nagkaroon ng puting buhok ang Superstar, dito na siya nabuhay, balat-sibuyas pa rin ba ito hanggang ngayon?

Ganti namang pamba-bash ng isang kapanalig ni Vice kay Nora, “Naku, hindi siya kakulangan sa grand finals ng TNT, ‘no! Nakakapagtaka, umoo na siya, pero biglang umurong! Mas malaki kaya ang talent fee na ibinigay sa kanya sa kabila?”

Ha! Ha! Ha!

MAKE UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with