Stage ng Miss U milyun-milyon ang ginastos!
GUIDING LIGHT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2017 - 12:00am

Malaki at malawak ang Mall of Asia Arena pero magiging maliit ito sa January 30 dahil sa massive stage na gagawin para sa coronation ng 65th Miss Universe. Sa stage pa lang, milyones na ang ginastos ng mga produ ng beauty pageant.

Perfect venue ang MOA Arena dahil marami ang manonood ng grand coronation at basehan ang sold out tickets.

Noong 1994, ginanap ang Miss Universe sa PICC Plenary na napakaliit kung ikukumpara sa Mall of Asia Arena kaya limitado ang manononood.

Invited guests sa Miss Universe 1994 ang mga alaga ko na sina Rudy Fernandez at Bong Revilla, Jr. kaya na-meet nila ang mga official candidate. Siyempre, si Charlene Gonzales na bet ng Pilipinas ang type nina Rudy at Bong na mag-win pero si Sushmita Sen ng India ang nanalo.

Alang-alang daw sa turismo, Chavit walang angal kahit lumolobo na ang gastos

Hindi lamang apat ang mga foreign beauty queen na darating sa Pilipinas dahil marami pa ang parating para umapir sa coronation ng 65th Miss Universe.

Mga former at reigning beauty queens mula sa iba’t ibang bansa ang nakatakdang dumating sa Pilipinas sa linggong ito dahil invited sila ng Miss Universe Organization.

Kung marami pa ang mga bisita na parating, madaragdagan pa ang gastos ng mga private sector na sponsor ng 65th Miss Universe.

Si Papa Chavit Singson ang nagsabi na palaki nang palaki ang gastos niya pero walang bahid ng pagrereklamo sa kanyang boses.

Basta ang importante kay Papa Chavit, makatulong siya sa tourism industry ng Pilipinas at bilang mahusay na negosyante, alam niya ang kanyang pinasok. Hindi naman susugal si Papa Chavit sa isang magastos at bonggang event kung alam niya na walang magiging pakinabang ang bansa natin.

Mga batang nag-viral ang video hinahanap ang nang-abandona nilang ama

May malalim palang kuwento ang viral video ng magkapatid na Bilog at Bunak, ang mga bagets na ginaya ni Maine Mendoza at ng kapatid nito.

Ang staff ng Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA-7 ang naghanap kina Bilog at Bunak.

Si Bilog ang batang babae na gumagawa ng video na ipapasok niya sa Facebook dahil baka sakaling mapanood ito ng kanilang ama na inabandona sila dahil sumama sa ibang babae.

Sa umaga, nagtitinda ng kakanin at sa gabi, balut ang itinitinda ng masipag na ina nina Bilog at Bunak para maitaguyod ang limang anak.

Nang i-feature ni Mama Jessica Soho sa show niya ang kuwento nina Bilog at Bunak, marami ang nagalit sa ama ng dalawang bata dahil naatim niya na iwanan ang sariling pamilya.

Blessing in disguise ang nangyari dahil hindi lamang naging viral ang video nina Bilog at Bunak, sumikat pa ito, ginaya ng mga celebrity at umapir sa show ni Mama Jessica ang mga bagets.

Kaliwa’t kanan ang mga parody sa video nina Bilog at Bunak kaya imposible na hindi nabalitaan ng kanilang iresponsableng ama na sikat na sikat ang mga anak na inabandona niya.

May paraan talaga ang nasa Itaas para ipara­ting sa kinauukulan ang panawagan ng mga paslit na bata. Umiiyak na sinabi ni Bilog na ginawa niya ang video para ilagay ito sa Facebook dahil baka mapanood ito ng kanyang ama pero mas matindi pa ang nangyari.

Hindi lamang napanood sa Facebook ang video dahil malaking bagay na napanood ito sa isang sikat na programa na kagaya ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Wish ko lang, makonsyensya ang pabaya at super iresponsableng ama ng mga pobreng bagets.

MISS U
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with