^

PSN Showbiz

Ultimate Pinoy boyband mabubuo na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakaalamanan na ngayong darating na weekend (Dec 10 and 11) kung sinu-sino sa natitirang pitong singing heartthrobs ang bubuo sa unang tunay na Pinoy boyband sa nalalapit na pagtatapos ng Pinoy Boyband Superstar.

Sa huli, lima lamang ang mapipili muna kina Ford, Joao, Mark, Niel, Russell, Tony, at Tristan sa The Grand Reveal kung saan sa huling pagkakataon ay papatunayan nila ang kani-kanilang sarili sa superstar judges at mga tagahanga. Puno rin ng sorpresa ang finale dahil ilalantad na rito ang pangalan ng mabubuong boyband, at mapapakinggan din sa kauna-unahang pagkakataon ang kanilang first single.

Ngayong Sabado (Dec 10), hahatiin sa dalawang pares at isang trio ang pitong heartthrobs. Bago matapos ang gabi, mapapangalanan na ang unang miyembrong bubuo sa boyband na siyang makakakuha ng pinakamataas na combined scores mula sa boto ng publiko at boto ng superstar judges na sina Vice Ganda, Sandara Park, Yeng Constantino, at Aga Muhlach.

Ipe-perform naman ng natitirang anim na hopefuls ang kani-kanilang do-or-die songs sa Linggo (Dec 11). Mula muli sa mga boto ng publiko at judges, kukunin ang apat na miyembro na kukumpleto sa boyband.

Ang limang ma­nanalo sa Pinoy Boyband Superstar ay isa-isang makakatanggap ng exclusive contracts sa Star Magic, recording contracts sa One Music, Yamaha motorcycles, at P5 million cash.

Tutukan ang two-day finale at iboto ang inyong mga kanya-kanyang paborito sa pamamagitan ng text at o online via Google. Para bumoto, i-text ang BB (space) pangalan ng contestant at ipadala sa 2366. Isang boto lang ang tatanggapin bawat SIM card. Para naman bumoto online, i-Google ang “PBS VOTE” at pindutin ang unang link na lalabas. I-click ang larawan ng iboboto mong grand finalist at pindutin ang “submit vote” na button. Isa vote kada Google/Gmail account lang ang tatanggapin. Hintayin lamang ang hudyat ng host na si Billy Crawford sa Sabado at Linggo bago bumoto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with