_ngayon
^

Kuwento ng saya, pag-ibig, at pag-asa sa KMJS

PEOPLE (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Christmas is in the air na talaga ngayong Linggo (Nov. 20) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Papasukin ng KMJS ang bahay ng dating beauty queen na si Maggie Wilson-Consunji at ang anak ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle Belo. Tiyak na mamamangha ang mga manunuod sa mga kumukuti-kutitap nilang pa-ilaw at Christmas decorations.

Samantala, viral at napapanahon nga­yong magpa-Pasko ang video ng isang bata na nakunang naglulupasay habang hinahatid ang amang OFW sa airport. Nagmama­kaawa ang bata na huwag siyang iwan ng ama. Marami ang naantig at naka-relate sa na­tu­rang video na nagpapakita ng hirap at sakripisyo na pinag­da­­daanan ng mga pamilya ng OFW para lang magkaroon ng magandang kinabukasan. Kikilalanin ng KMJS ang bata sa naturang video. Alamin kung paano nila ngayon ipagdiriwang ang paparating na Pasko gayung hindi kumpleto ang kanilang pamilya.

Marami naman ang humanga sa husay at linis bumirit ng isang batang lalaki na navideohang ku­ma­­kanta ng Secret Love Song sa isang coffee shop sa Aklan. Ang isang batang babae naman, sikat din ngayon online matapos makunang nagda-drums kasama ang ama sa iba’t ibang pam­publikong lugar. Kilalanin ang mga batang ito na talaga namang pinatunayan na ang talen­to, lulutang at lulutang kahit saan mang lugar.

At mula sa kanyang jersey, cap, rubber shoes at pati backpack, isama pa ang kanyang Michael Jordan collection, sinong mag-aakala na 69 years old na si Lolo Joe. Ibabahagi niya ang kanyang kuwento sa mga manonood.

Ilan lang ito sa mga dapat abangan ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA-7.

JESSICA SOHO KAPUSO MO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with