Coco
Coco 35 na sa Undas! Puntod nina Sen. Miriam, Kuya Germs, Rico Yan at Francis M. patok sa fans!
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2016 - 12:00am

SEEN: Ang mga puntod nina Senator Miriam Defensor Santiago, German Moreno at Francis Magalona ang ilan sa mga dinarayo ng fans sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

SCENE: Hindi nakakaligtaan ng fans ni Rico Yan na dalawin ang kanyang libingan sa Manila Memorial Park tuwing Todos Los Santos, labing-apat na taon matapos pumanaw ng aktor noong March 29, 2002.

SEEN: Madaling tandaan ang kaarawan ni Coco Martin dahil isinilang siya noong November 1, 1981. Ipagdiriwang ni Coco sa Martes ang kanyang 35th birthday.

SCENE: Mapapanood ngayong umaga sa ABS-CBN ang delayed tele­cast ng Miss Earth 2016 na ginanap kagabi sa Mall of Asia Arena.

SEEN: Bagay na bagay kay Miss Earth Philippines Imelda Schweighart aka Imee Hart ang kanyang pangalan.

“I, me, myself” ang tawag kay Imelda ng ibang mga kandidata ng Miss Earth 2016 dahil ang sarili ang kanyang palaging ibinibida. #Feelingera.

SCENE: Ang pangako ng American boxer na si Jessie Vargas na patutulugin niya si Senator Manny Pacquiao sa boxing match nila sa November  5 sa  Thomas & Mack Center, Las Vegas.

SEEN: Numero uno sa iTunes ang Till I Met You version nina James Reid at Nadine Lustre. Ang Till I Met You ang theme song at pamagat ng kanilang primetime teleserye sa ABS-CBN.

SCENE: Hindi isyu kay Lovi Poe na tinatalo sa ratings ang Someone To Watch Over Me ng Till I Met You dahil mas mahalaga sa kanya ang magandang samahan nila ng mga kasama niya sa drama series ng GMA-7.

SEEN: Ginamitan ng special effects ang Mang Kepweng Returns, ang pambata na pelikula ni Vhong Navarro na isa sa mga nagbabaka-sakali na maging official entry sa Metro Manila Film Festival 2016.

SENATOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with