^

PSN Showbiz

AiAi pinaiyak ni Jiro

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
AiAi pinaiyak ni Jiro
Jiro Manio

PIK: Nalungkot ang karamihan sa taga-showbiz sa magkasunod na balitang namayapa na rin ang asawa ni Dick Israel na si Marlyn Machaca pagkatapos niyang ma-comatose ng halos isang linggo dahil sa Aneurysm. At ang balitang namayapa na ang kilalang Piranha Queen at ina ni Champagne Morales na si Dinah Dominguez. Hindi pa namin nakuha ang buong detalye kung kailan ang libing ni Dinah.

PAK: Medyo senti si James Yap sa kanyang post sa Instagram kung saan ito nagpaalam at nagpasalamat sa dating team na Purefoods, franchise ng San Miguel pagkatapos siyang ma-trade at ilipat sa Rain or Shine.

Parang reunion daw ang nangyari dahil ito ang dati niyang team, ang Wilcon na siyang kauna-unahan niyang team pagpasok ng PBA.

Pero sa post ay sinariwa niya ang mga nakamit niyang achievements bilang basketbolista kung saan dalawang beses siyang nag-MVP, pitong championships, labintatlong beses na staright sa all star at isang beses nag-all star MVP.

Tila tanggap naman ni James na iba na ang takbo ng basketball career niya ngayon kung ikumpara sa nakaraan.

BOOM: Hindi napigilan ni AiAi delas Alas na maiyak nang sorpresahing dalawin si Jiro Manio sa isang facility na tinitigilan nito para magpa-rehab.

Nakunan ng GMA-7 News team ang pagdalaw ni AiAi kay Jiro at hindi niya napigilang maiyak nang sabihin ni Jiro ang kanyang mensahe para kay AiAi. “Nagpapasalamat ako hindi dahil tinulungan mo ako, dahil ni-rescue mo ako,” mensahe ni Jiro sa itinuturing niyang nanay-nanayan.

Hindi na nakapagsalita si AiAi, at iyak na lang ito nang iyak. Nakita niya ang malaking pagbabago sa dating child actor at sana nga ay tuluy-tuloy na ito.

vuukle comment

JIRO MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with