_ngayon
^

PSN Showbiz

MMFF maraming nakabiting reklamo

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Maglalabas na raw ng opisyal na kinita ng mga pelikula na sumali sa festival ang Metro Manila Film Festival (MMFF). Pero bakit pa? By this time ay alam na ng mga prodyuser ng bawat pelikula kung saan sila nakatayo sa box office. Hindi bale sana kung credible, paano kung hindi? At matatapos na ang MMFF, kailan maibibigay ang resulta ng isinagawang imbestigasyon hinggil sa maraming reklamo, o kung meron mang imbestigasyon? Baka naman kakalimutan na lamang ang lahat?

Jana mas may K naman talaga kay Maine na magka-award

Sayang at magtatapos na ang Ning­ning, ang pang-umagang serye ng kabilang istasyon na nagtatampok kay Jana Agoncillo. Hindi madaling makakalimutan ang batang ito na buong tapang na kumasa kay Maine Mendoza aka Yaya Dub sa kategorya ng New Female Star ng Star Awards for TV. At nanalo siya huh!

But then, mas mahabang panahon na ang lamang ni Jana kay Maine. Tama lang na manalo siya.

KC hindi lalayasan ang ina

At least nakasisiguro na ang ABS-CBN na hindi sila iiwan ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion para lumipat ng TV5. Muli na naman daw kasing pipirma si KC sa Kapamilya Network ng kontrata.

Naging malaking ispekulasyon ang sinasabing paglipat ni KC dahil magtatapos na nga ang kontrata niya sa ABS-CBN at nasa pangangasiwa ng Viva ang kanyang karera. Hindi naman malayong isipin na baka maisipan siyang i-cast ni Vic Del Rosario na siyang Chief Strategist ngayon ng TV5 kung gugustuhin nito. Pero sa halip ay pinapirma niyang muli si KC sa ABS-CBN.

ANG CHIEF STRATEGIST JANA JANA AGONCILLO KAPAMILYA NETWORK MAINE MENDOZA MEGASTAR SHARON CUNETA METRO MANILA FILM FESTIVAL NEW FEMALE STAR PERO STAR AWARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with