John Lloyd umingay!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 26, 2015 - 9:00am

Sayang naman kung ngayon lang idi-disqualify ang Honor Thy Father nina Erik Matti at Dondon Monteverde. Bakit hindi pa nung hindi pa ito umiingay? Meron na naman ba itong nabibigyan ng insecurity?

Walang Forever mukhang silent winner

Mukhang magiging silent winner na naman ang Walang Forever sa gina­ganap na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015. Nagi­ging matunog na ito para sa best picture. Nauna nang pinuri ang akting ni Jericho Rosales ka­tambal si Jennylyn Mercado. Hindi ang ope­ning day ang basehan ng winning movie kundi ang pagpapatuloy na pagpila ng manonood sa takilya hang­gang sa huling araw ng pagpapalabas ng mga pelikula.

Sen. Grace walang pahinga

Sa kabila ng ku­makalat na disqualification ni Sen. Grace Poe sa pagka-pangulo ng bansa, patuloy ito sa pag-ikot sa bansa. Fee­ling ba ni senadora mababago pa ang desisyon ng Comelec?

Tatay ni Jinggoy, sayang naman

Pati ang Tatay movie ni Jinggoy Estrada ay mukhang hindi na raw maipapalabas dahil mahahalatang luma na. Alin ba ang luma, ang istorya, o ang artista? Ayaw lang talaga sigurong ipalabas dahil kung gusto ay magagawan ng paraan.

ACIRC ANG DONDON MONTEVERDE ERIK MATTI GRACE POE HONOR THY FATHER JENNYLYN MERCADO JERICHO ROSALES JINGGOY ESTRADA METRO MANILA FILM FESTIVAL WALANG FOREVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with