^

PSN Showbiz

Aktres nabaliw sa hiwalayan nila ng actor!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang pasasalamat ng production staff ng isang indie film na malapit nang ipalabas dahil sa last few days na ng shooting nagka-attitude ang lead actress nila. Maayos ang shooting ng aktres sa pitong araw. Dumarating ito ng maaga sa set, memoryado na ang script, at maayos ang pakikisama sa co-stars.

Pero sa last three days ng shooting, nag-iba ang ugali ng aktres, late na itong nagre-report sa shooting, parang laging wala sa sarili, at hindi makapag-concentrate sa kanyang mga eksena at pati sa lines niya.

Ang hinala ng mga tao sa shooting that time, nagkaproblema na ang relasyon ng aktres at nobyo nito at hindi mapigilang hanggang sa trabaho ay dala-dala ang problema.

Nakita rin ang aktres sa isang bar na parang seng­lot at sumabay pang sumayaw sa mga dancer ng bar. Pi­na­­bayaan na lang siya ng mga nakakita na alam na may pinagdaraanang personal dahil nasusulat ito sa mga dyaryo.

Back to normal na ngayon ang aktres at maayos na uling magtrabaho pagkatapos nilang muling mag-break ng ex-BF niyang aktor.

Ex-wife ni Ogie may ambag sa bagong bahay nila ni Regine

Nakalipat na pala sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid sa ipina-renovate nilang bahay at sa mga picture na pino-post ng mag-asawa sa Instagram (IG) ng kanilang bahay, makikitang worth it ang one year yatang renovation at malaki ang nagastos ng mag-asawa. Mas gumanda ang bahay nila at puro salamin ang kanilang bedroom na parang ang sarap-sarap matulog.

May ipinatayo ring recording studio si Ogie at nabanggit na sa recording studio na niya tinapos i-record ang bago niyang album. Dito rin yata minsan nagre-rehearse si Regine para sa gagawing series of concert dahil may picture siya at nakatingin sa labas si Nate.

Isa pang feature ng bahay nina Ogie at Regine ang vertical garden na idea ni Michelle Van Eimeren at tumulong pang mag-design ng frame. Succulent plants ang ginamit sa vertical garden na tila marami ang gagaya.

Samantala, tuluy-tuloy ang rehearsal ni Regine para sa series of concerts na gagawin niya sa Solaire simula November 6 and billed Regine at the Theater. Kahit may dress code na smart casual, walang reklamo ang fans ni Regine at mas pinu-problema ang rule na “Strictly No picture taking and video recording.”

Ang ibang dates ng concert ay Nov. 7, 20 and 21. May tribute si Regine kay Mr. Ryan Cayabyab at may medley ng Aegis songs.

Yaya Dub certified Kapuso na?!

Tuwang-tuwa ang AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil magkasama ang dalawa sa Christmas Station ID ng GMA Network.

Kasama rin sa Christmas Station ID ng AlDub ang tatlong lolas ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ibig daw bang sabihin ng pagsama kay Maine sa Christmas Station ID ng GMA 7 ay Kapuso talent na rin siya?

Kasama rin sa Christmas Station ID sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon, pero silang tatlo lang ang nakita namin sa behind-the-scene o BTS ng shooting.

Nagiging madalas na nga ang pagsasama ng AlDub dahil bukod sa TVC shoot, nagsu-shooting din sila ng MMFF (Metro Manila Film Festival) entry nila na My Bebe Love.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

CHRISTMAS STATION

EAT BULAGA

KAPUSO

KASAMA

MAINE MENDOZA

OGIE

REGINE

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with