Alfred walang kalaban, Wally bumigay na, gustong mag-gown sa kasal nina Vic at Pauleen
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2015 - 10:00am

PIK: Naging emotional si Alfred Vargas nang nalaman niyang wala palang ibang nag-file ng candidacy bilang Representative ng 5th district ng Quezon City.

Bago kasi nag-file si Alfred ng COC niya, dumaan muna ito sa puntod ng Mommy niya para magdasal at humingi ng guidance. Pagkatapos ng filing, nalaman niyang wala pala siyang kalaban, bumalik siya sa puntod ng Mommy niya para magpasalamat, at hindi raw niya napigilang maiyak.

Naalala niyang ang kanyang ina ang all-out ang suporta nang tumakbo siya para sa Congress nung nakaraang eleksyon.

Nakita naman kasi ng mga taga-district 5 kung paano magtrabaho sa kanilang distrito, kaya walang nangahas na kalabanin siya.

PAK: Tawa nang tawa si Pauleen Luna nang sabihin daw ni Wally Bayola sa kanila ni Vic Sotto na gusto nitong magbihis ala-Lola Nidora sa kanilang kasal.

Isa si Wally sa Dabarkads na tatayong grooms men pero mas type raw niyang dumating na naka-Lola Nidora at tatayo sa mga bridesmaid kahanay ang Binibining Pilipinas na si Pia Wurtzbach.

“Gusto talaga niya maglakad na naka-Lola Nidora, pinipigilan namin siya at gusto niya nasa bride’s side, ayaw niya sa groom’s side,” natatawang kuwento ni Pauleen.

Hindi pa muna ibinibigay ni Pauleen ang buong entourage dahil gusto raw muna nila ni Bossing Vic na i-finalize ang lahat. Hindi naman daw nila ito itatago sa publiko.

BOOM: Pati sa presscon ng Regine at the Theater concert ni Regine Velasquez ay naintriga ito tungkol sa gown na kanyang isusuot, kung recycled din daw ito.

“Wala siyang isusuot na luma!” tili ni Cacai Mitra.

Ever since raw ay mga bago ang ginagawang gown ng mga designer na gustong magpasuot kay Regine.

Natagalan nga raw silang mag-decide ng ipasusuot sa ating Asia’s Songbird dahil maraming designers ang nag-offer.

Sabi ni Cacai, so far ay sina Cary Santiago, John Herrera, Cocoy Lizaso, at Martin Bautista ang gagawa ng gown ni Regine sa nalalapit niyang concert sa Solaire Theater na nakatakda sa November 6, 7, 20, at 21.

Hindi na nila kailangang kunin ang grupo ni Liz Uy at magbayad ng mahal para pasuotin lang ng recycled o kinopya bang gown?

ACIRC ALFRED VARGAS ANG BINIBINING PILIPINAS BOSSING VIC CACAI MITRA CARY SANTIAGO COCOY LIZASO JOHN HERRERA LIZ UY LOLA NIDORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with