Ryzza Mae mas nadadaliang dumaldal kesa mag-drama
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2015 - 10:00am

“Long time no see” sabay yakap ang bungad sa amin ni Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon sa venue ng presscon para sa kanyang kauna-unahang teleserye, ang The Ryzza Mae Show Presents….Princess In the Palace na magsisimula na sa darating na Lunes, September 21, alas-11:30 ng umaga.

Halos isang taon din namin ‘di nakita si Ryzza Mae matapos ang 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nila ni Vic Sotto, ang My Big Bossing kung saan nila nakasama ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach.

Tinanong namin si Ryzza kung nagkikita at nagkakausap pa sila ng kanyang kaibigang si Alonzo.

“Opo,” aniya.

“Nagkita po kami sa Disney (in Araneta Coliseum) at kumain pa po kami kasi nagyaya po si Tito Onin (Niño Muhlach),” kuwento ni Aleng Maliit.

Samantala, excited si Ryzza Mae sa kanyang kauna-unahang TV drama series.

“Iyak po ako nang iyak dito,” kuwento pa niya. “Madalas po akong paiyakin ni Direk Mike (Tuviera),” natatawa niyang kuwento.

Gigil na gigil din umano sa kanya si Eula Valdez at madalas na pisilin ang kanyang mukha. Si Eula ang gumaganap na presidente ng palasyo at siyang mag-aampon sa kanya.

Hindi ikinakaila ni Ryzza Mae na mami-miss niya ang kanyang daily morning talk show na The Ryzza Mae Show na mahigit ding dalawang taong nasa ere at ito’y magtatapos ngayong Biyernes, September 19.

“Mas madali pong gawin ang talk show kesa sa TV drama series,” pag-amin pa ni Ryzza Mae.

Inamin din ni Ryzza Mae na tagahanga din umano siya ng AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) at madalas siyang kiligin at umiyak sa tinaguriang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Tuloy din ang salpukan ng programa nila ni Jana Agoncillo na Ningning sa timeslot.

Direk Wenn makakatutok na sa pelikula ni Vice

Tapos na ni Direk Wenn Deramas ang shooting ng pelikulang Wang Fam na tinatampukan ng loveteam nina Andre Paras at Yassi Pressman kasama sina Benjie Paras, Pokwang, Alonzo Muhlach at iba pa under Viva Films.

Ngayong libre na si Direk Wenn ay agad naman niyang sisimulan this month ang kanyang MMFF movie na pagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin kasama sina James Reid, Nadine Lustre, at Alonzo Muhlach.

Pagdating naman sa MMFF, tiyak na magiging exciting ang labanan sa takilya ng mga pelikulang kalahok kasama na rito ang Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin at ang My Bebe Love (#Kiligpamore) nina Vic Sotto at AiAi delas Alas kasama ang pinakamainit na loveteam ngayon, ang AlDub sa direksiyon ni Joey Javier Reyes.

John at Isabel excited na sa paglabas ng anak

Habol sa baby boom ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli dahil nagdadalang-tao ngayon ang aktres sa kanilang magiging first baby.

Ikinasal ang dalawa last May 16, 2015 ng dalawang beses – una sa Nuestra Señora de la Soledad Parish sa Tanauan, Batangas na sinundan sa Na­yomi Sanctuary Resort sa Balete, Batangas na pag-aari ng pamilya ni John.

Excited ang couple dahil magkakaroon na rin ng bunga ang kanilang pagmamahalan.

ACIRC ALENG MALIIT ALONZO MUHLACH ANG COCO MARTIN DIREK WENN MAE RYZZA RYZZA MAE VIC SOTTO VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with