Mayor Erap gustong ibalik ang sigla ng Maynila
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2015 - 10:00am

Naging masaya ang salu-salo para kay Mayor Joseph Estrada na ipinatawag ni Marichu Vera-Perez sa Sampaguita Events Place noong B­­i­yer­nes. Hindi lang si Erap ang naro’n kundi maging ang senior stars ng Sampaguita.

Ang gaganda pa rin ng mga senior actress na dumalo gaya nina Delia Razon, Boots Anson-Rodrigo, Liza Lorena, Barbara Perez, Celia Rodriguez, Lorli Mara, Luz Valdez, Annabelle Rama, at Daisy Romualdez.

Tinanong si Erap kung sino sa mga guest actress ang naging nobya niya at walang kagatul-gatol na sinagot na si Daisy Romualdez.

Sa video presentation na ipinapanood sa press, labimpitong taong nanungkulan ito sa San Juan bilang mayor kung saan naging matagumpay ang pamama­lakad niya kaya naman nahalal siyang se­na­dor, Vice-President hanggang maging Presidente.

Ngayong Mayor siya ng Maynila ay ito na ang kanyang prioridad dahil marami pa siyang plano rito. Una ang pagbabalik-sigla at ganda ng Maynila kaya Forward Manila ang napili niyang slogan.

Nabawasan na ang kriminalidad sa lungsod at nagkaro’n na rin ng peace and order. Kahit tangha­ling tapat o hapon ay naglipana ang mga snatcher pero ngayon ay wala na. Naging masaya ang pag­titipon ni Erap dahil may kantahan, pa-raffle, tanu­ngan portion at higit sa lahat ay masaganang hapu­nan na inihanda ni Manay Ichu.

Nagmumurang kamatis?! Nora excited nang mag-topless sa pelikula

Natuloy ang guesting ni Nora Aunor sa Pari ‘Koy tampok si Dingdong Dantes. Karangalan na maging bahagi ng serye ang magaling na aktres.

Gusto palang i-revive ni Guy ang NV Productions at magprodyus ng drama anthology na ipapalabas sa Syete. Gusto niyang masimulan ito this year. Kabi-kabila ang indie movie na ginagawa ng Superstar at excited na siyang maumpisahan ang Tasaday kung saan siya magta-topless ito.

ACIRC ANG ANNABELLE RAMA BARBARA PEREZ CELIA RODRIGUEZ DAISY ROMUALDEZ DELIA RAZON DINGDONG DANTES ERAP SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with