^

PSN Showbiz

Female personality na umaapaw sa baul ang kayamanan, semplang ang lovelife

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Iba na talaga ang madatung. Ibang-iba talaga ang kakumportablehang nagagawa at naibibigay ng pera sa tao. Hindi nga puwedeng bilhin ng pera ang lahat ng bagay sa mundo pero wala nang mas kukumportable pa kesa sa hindi pag-iisip kung saan ka kukuha ng salapi kapag nangangailangan ka.

Dati nang mapera ang isang female personality. Mas nadagdagan pa ang kanyang kayamanan dahil masipag siya. Kinakaya niya ang mga tinatanggap niyang trabaho. Kung minsan ay nagkakandasuka na siya sa sobrang hirap pero sige pa rin siya nang sige.

Responsable siyang nanay. Lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak ay ibinibigay niya. Hindi siya umaasa sa ibang kamay para lumaking maayos ang kanyang mga supling.

Kuwento ng isang source na malapit sa pamosong female personality, “Ang maganda sa kanya, e, ine-enjoy niya ang mga kinikita niya. Kung saan niya gustong pumunta kasama ang mga anak niya, nagbabakasyon sila.

“Palabiyahe siya, hindi niya pinagdadamutan ang sarili niya. Nagpapakamatay nga naman siya sa pagtatrabaho, kaya dapat lang niyang regaluhan naman ang sarili niya, ‘di ba?

“Saka siya ang pinupuntahan ng mga shops na puro branded ang produkto. Hindi niya na kailangang lumabas ng bahay para mag-shopping. Siya ang sinasadya.

“Ipadadala sa kanya ang mga products, may mga presyo na ‘yun. Kapag may time na siya, isa-isa niyang titingnan ang mga products na ipinadala sa kanya. Lahat ng napipili niya, binabayaran niya ng dated check, parang cash na rin,” kuwento ng aming kausap.

At aminado ang aming source na napakabilis niyang magsawa sa kagamitan niya. Ni hindi pa naluluma ang kanyang mamahaling sofa, dinidispatsa na niya, ipinakukuha na sa kung sinumang type niyang bigyan.

“’Yun nga lang, hindi kayang bilhin ng salapi niya ang pag-ibig. Nakakailang semplang na siya in the name of love, pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang natatagpuang mamahalin siya bilang siya at hindi dahil sa sikat siya,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Tiyuhin ni Mark Neumann apektado sa kanyang pagsikat sa paggawa ng tinapay

Nakakaaliw ang mga mensahe sa text na tinatanggap namin kapag malapit na ang Baker King ng TV5. Isa lang ang tema ng kanilang mga text, “Hindi na ako nagkanin kanina sa hapunan, may ulam na kasi ako, si Mark Neumann.”

Huwag namang ikalalaki ng ulo ng guwapong bagets ng TV5 pero napakalaki ng nagagawa para sa kanya ng Baker King ngayon. Pinakamaganda na sigurong oportunidad na ibinigay sa kanya ng network ang unang Filipino adaptation ng Korean novelang ito.

Kakambal kasi ng kanyang papel bilang bida ang simpatya ng manonood, isa siyang anak sa labas na masikap, mabait sa kanyang kapwa at mapangarap.

Kahit saan magpunta ngayon si Mark Neumann ay Tak-Gu na ang tawag sa kanya ng ating mga kababayan. Nagkaroon siya ng bagong pangalan, ng marka sa publiko, dahil ibinibigay niya naman ang lahat-lahat ng kanyang makakaya sa Baker King.

Dalawa sila ni Akihiro Blanco na kinakikiligan ng mga kababaihan at sangkabaklaan sa serye, pareho silang guwapo at mahusay umarte, pero sa kahit anong palabas ay mas nakauungos ang pagkagusto ng manonood sa bida kesa sa nagkokontrabida.

Sabi ng kanyang tiyuhing si Gio Medina, “Napakasarap makitang unti-unti nang nakikilala ngayon si Mark. Ako ang sobrang apektado sa mga nangyayari sa career niya. Gusto ko talaga siyang maging successful.

“Makukunsensiya ako at malulungkot kapag walang nangyari. Ako kasi ang nagsabi sa parents niya na dumito na muna siya sa Pilipinas to try his luck in showbiz. Pinayagan naman siya.

“Ipinasok ko siya sa Artista Academy, nakalusot naman siya sa audition at nakarating sa finish line. And the rest is history,” litanya ng nanay-nanayang tiyuhin ni Mark Neumann.

Ang tinapay ay buhay. Mabuhay ang tinapay!

vuukle comment

ACIRC

AKIHIRO BLANCO

ANG

ARTISTA ACADEMY

BAKER KING

HINDI

KANYANG

MARK NEUMANN

MGA

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with