^

PSN Showbiz

Mga natirang pagkain sa reception ng Chiz-Heart wedding ipinamigay sa orphanage, P-Noy ‘di pa rin nagparamdam!, Angelica nasaktan sa hindi pag-iimbita ni Hear

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa rin sinipot ni Pres. Noynoy Aquino ang wedding reception the other night ng bagong mag-asawang Chiz Escudero and Heart Evangelista na ginanap sa Blue Leaf Filipinas sa may City of Dreams.

Bagama’t nakaantabay na ang mga member ng Presidential Security Group (PSG) sa pinagdausan ng reception, hindi pa rin dumating ang best man sana ng kasalan sa Balesin Island noong February 15.

Ang sinabing rason sa announcement ng isa sa mga host na si Tim Yap sa hindi pagdating ng pangulo ay “unforeseen circumstances.”

Pero marami namang ibang pulitikong nakisaya sa Manila reception ng bagong kasal tulad nina Sen. Grace Poe, Sen. Sonny Angara, Sen. Bong Bong Marcos, Sen. Franklin Drilon, Sen. Tito Sotto, Sen. Loren Legarda and Sen. Serge Osmeña.

Ayon sa staff ni Sen. Chiz, 2,000 ang invited sa Manila reception pero hindi nakarating lahat. Kaya lang umabot pa rin daw sa almost 2,000 dahil ang ibang bisita ay dumating na may kasama kahit nakalagay sa invitation ay good for 1 lang.

Umapaw ang maraming inumin at mga pagkain na sumobra pa kaya ipinabalot at ipamimigay daw sa orphanage. Marami ring nagbigay ng lechon na hindi nakain dahil nagkataon namang Ash Wednesday so hindi pumatok ang lechong baboy. Lahat din daw ‘yun ay ipamimigay sa orphanage.

Ang dami ring photo booth. Pero bongga ‘yung isa dahil Balesin ang back drop. So pag nagpa-picture ka, parang nasa Balesin ang epek. Sa Balesin ikinasal ang dalawa last Sunday.

Kaya lang pagkatapos ng programa at pasasalamat ng bagong kasal, umakyat sila sa venue dahil may interview daw ang GMA kaya hindi lahat ay nakapagpa-picture sa bagong kasal. Bumaba naman sila after ng almost 1 hour kaya ‘yung mga naghintay ay nagkaroon ng photo op sa mag-asawa.

Malayo ang venue at hindi accessible kaya hindi napuntahan ng fans. Hindi na rin namin masyadong naispatan ang suot ni Heart na umano’y binili niya sa shop ni Monique Lhullier sa LA.

Bukod kay P-Noy hindi rin talaga nagparamdam ang kanyang mga magulang sa Manila reception.

Ang hindi lang maganda sa venue, walang signal ang mga network.

Ginamit din nila sa Blue Leaf ang ibang bulaklak na ginamit sa Balesin.

Kasama naman sa programa ang video presentation ng kanilang love story and song numbers ng mag-asawang Ogie and Regine Valasquez, Gary Valenciano and Jaya. Kasama naman sa mga bisitang artista si Kim Chiu na ayon sa isang natanungan ko ay kaibigan daw ni Heart.

Pero totoo kaya na-hurt si Angelica Panganiban na hindi man lang siya inimbita samantalang ang pakiramdam pa naman daw ng girlfriend ni John Lloyd Cruz ay close sila ni Mrs. Escudero?

Anyway, bukas, Sabado, ay may wedding reception pa sila sa probinsiya ni Sen. Chiz sa Sorsogon. Balitang malaki ito dahil mara­ming kababayan ng senador ang gustong makita ang kanyang napangasawang aktres. After ng session sa March pa makakapag-honeymoon ang bagong kasal sa Japan.

Pagpapa-sexy at sobrang pagpapa-sosyal ni Karen Davila kinaiinisan na?!

Hindi lang pala ako ang naloloka sa pino-project na ‘image’ ni Ms. Karen Davila ngayon.

Bukod sa kanyang mga pagpapaseksing pose kasama ang kanyang mga guest, sa hinu-host na programa sa ABS-CBN News Channel, sa Instagram account at pagsusuot ng sleeveless habang nagbabalita sa Bandila, usap-usapan ngayon ang pakikipag-close niya sa bilyonaryo at mga sosyalera. Bukod pa ‘yan sa kanyang pagiging sobrang lakas daw ng dating ng newscaster tuwing dadalo ito sa mga party.

Sobra raw kung magpa-sosyal ang newscaster at parang belong na belong sa elite circle.

In fairness, pati bahay niya at collection ng paintings, ibinabalandra niya sa kanyang IG account at hindi siya nagpapahuli sa mayayamang kaibigan niya.

Ibang-iba ang image ni Ms. Karen kay Jessica Soho o Vicky Morales na hindi ipinangangalandakan ang personal at koneksiyon sa social media.

Puna tuloy ng marami, paano ka nga naman magiging fair sa pamumuna mo kung kaibigan mo ang karamihan sa pulitiko. Siyempre nga naman pakikisamahan siya dahil kilalang newscaster siya.                                          

BALESIN

BUKOD

KAREN DAVILA

PERO

SEN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with