^

PSN Showbiz

Kinasuhan na Onemig gustong makuha ang mga anak sa dating asawa!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Past 3:00 p.m. kahapon nang mag-file ng sole custody with prayer for temporary protection order ang former TGIS actor na si Onemig Bondoc o Juan Miguel Rivera Bondoc. Hinihiling ni Onemig na mapunta sa kanya ang pangangalaga sa mga menor de edad nilang anak na sina Armelle Janelle Christine (7 years old) at Antoine Maelan Mariano Bariou Bondoc (1 year old) ng estranged wife niyang si Valerie Sophie Geraldine Christina P. Bariou.

Naghiwalay sina Onemig at Valerie noong last quarter ng 2013 at nag-file pa ng annulment case ang estranged wife ng dating aktor.

Sa ngayon, na kay Onemig ang dalawang anak nila ni Valerie at gusto nga ng dating aktor na sa kanya igawad ng korte ang permanenteng panga­ngalaga sa mga bata.

Kahit hindi na aktibo sa showbiz, pinagkaguluhan pa rin si Onemig nang magpunta sila ng abogado niyang si Atty. Cornelio “Jun” Santiago III sa Quezon City Hall of Justice para i-file ang nasabing demanda.

Ang message ni Onemig sa kanyang estranged wife, “See you in court!”

Bukas ang panig ng PSN kung sakaling gustong magbigay ng pahayag ni Valerie tungkol sa sole custody with prayer for temporary protection order na isinampa ni Onemig sa korte.

The Farm paboritong puntahan ng mga artista

Paboritong puntahan pala ni Iza Calzado ang The Farm sa San Benito sa Lipa, Batangas.

Nang maimbitahan ng philanthropist-businesswoman na si Pinky Tobiano at ng mister niyang si Juancho Robles na mag-dinner sa Lakan Villa ng The Farm si Iza kasama ako, ang PSN editor na si Salve Asis, PSN columnists Lolit Solis, Gorgy Rula, mga kapwa columnists na Jojo Gabinete at Shirley Pizarro, naikuwento ng aktres na kapag may time talaga, nagpupunta siya roon.

Kahit noong may teleserye pa siya sa ABS-CBN, may pagkakataon na nagpupunta siya sa The Farm kahit overnight lang.

Naikuwento rin ni Iza nang mag-break sila ng isang boyfriend niya, sa The Farm siya nag-stay ng ilang araw para mabawasan ang kanyang stress.

Isa si Iza sa mga celebrity na nagpupunta sa The Farm na nagagawang puro organic juices lang ang ininom ng ilang araw.

Nang makatsikahan ko rin ang bida ng Edsa Woolworth movie ng Star Cinema na si Pokwang ay napag-usapan din namin ang The Farm.

Gustung-gusto rin ni Pokwang ang lugar na ‘yon at na-experience niya ‘yon nang mag-taping sila roon ni Kris Aquino ng KrisTV.

Sabi ni Pokwang, kapag hindi siya busy, babalikan niya ang nasabing lugar para makapag-detox din siya.

vuukle comment

ANTOINE MAELAN MARIANO BARIOU BONDOC

ARMELLE JANELLE CHRISTINE

EDSA WOOLWORTH

FARM

IZA

ONEMIG

POKWANG

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with