^

PSN Showbiz

Debosyon hindi pala press release Coco at Angeline nag-vigil para sa Itim na Nazareno

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maaga ako na nagising kahapon kaya napanood ko ang report ng TV5 tungkol sa vigil nina Coco Martin at Angeline Quinto sa Quirino Grandstand dahil mga deboto sila ng Black Nazarene, ang patron ng Quiapo Church.

Napatunayan ng madlang-bayan na totoo at hindi press release ang sinabi ni Coco sa isang magazine interview na nagsisimba siya sa Quiapo Church tuwing pista ng Black Nazarene.

Kahanga-hanga ang mga celebrity na kagaya nina Coco at Angeline dahil hindi nila nakakalimutan ang kanilang debosyon, kahit may mga name na sila sa showbiz.

Onemig siguradong makakalkal ang pribadong buhay sa pagsampa ng kaso sa dating asawa

Nagsampa si Onemig Bondoc ng custody case para makuha niya mula sa estranged wife na si Valerie Bariou ang kanilang anak.

Nauwi rin pala sa hiwalayan ang magandang pagsasama nina Onemig at Valerie na nagkaroon ng 15-minute fame nang maging stand-in o double ng Hollywood actress na si Rachel Weisz nang magpunta ito sa Pilipinas para sa shooting ng The Bourne Legacy noong January 2012.

Matagal nang hindi active sa showbiz si Onemig na siguradong makakalkal ang mga nangyari sa relasyon nila ni Valerie dahil sa kaso na isinampa niya kahapon.

Luis mukhang tuloy sa pagtakbo sa 2016, nagpapagawa na ng bahay sa Lipa

Naniniwala ang mga residente ng Lipa City na kakandidatong mayor ng kanilang lugar si Luis Manzano.

Ang sey ng aking source, nagpatayo na raw si Luis ng bahay sa Lipa City at malapit ito sa The Farm.

May-I-describe sa akin ng source ko ang hitsura ng Lipa house ni Luis na hindi kalayuan sa The Farm.

Nalimutan ko naman na itanong sa source ko ang exact location ng bahay ni Luis para nausyoso ko sana nang mag-check out kami kahapon ng mga kasama ko mula sa The Farm.

Kung totoo man na kakandidato si Luis na mayor ng Lipa City, malaki ang tsansa niya na mag-win dahil maganda ang record ng kanyang ina bilang public servant.

Kita n’yo naman, hinihiling ng mga Lipeño na kumandidato uli si Batangas City Governor Vilma Santos-Recto kapag natapos ang term ng Star for All Seasons sa 2016.

Inamin noon ni Mama Vi sa presscon ng Ala Eh! Festival na totoong lumapit sa kanya ang mga kababayan niya sa Lipa pero hindi siya nagbitaw ng pangako. Masyadong malayo pa ang 2016 elections at mas gusto ni Mama Vi na gumawa ng pelikula kaya dedma muna siya sa mga isyu na may kinalaman sa pulitika. Hindi idine-deny ni Mama Vi na miss na miss na niya ang pag-arte sa harap ng mga kamera at may project siya sa Star Cinema ngayong 2015.

Iza si ‘Hugo’ muna ang ka-date habang hinihintay ang BF

Nagkita kami ni Iza Calzado sa restaurant ng The Farm bago ako bumalik sa Maynila.

Hanggang bukas pa si Iza sa The Farm dahil hinihintay niya ang pagdating ng kanyang boyfriend na si Ben Wintle.

Good influence si Iza kay Ben dahil siya ang nagtuturo sa kanyang dyowa tungkol sa detoxification, colema, etc. bilang mahilig kumain ng karne ang boyfriend niya.

Bilib ako kay Iza dahil juice diet siya habang nasa The Farm at talagang sinusunod niya ang kanyang program.

Habang wala pa si Ben, ang pet dog na si Hugo ang kasa-kasama ni Iza sa pagrampa nito sa The Farm.

vuukle comment

BLACK NAZARENE

IZA

LIPA CITY

LUIS

MAMA VI

NIYA

ONEMIG

QUIAPO CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with