^

PSN Showbiz

Matteo ayaw maka-duet si Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napagkasunduan daw ng magkasintahang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na hanggang maaari ay ayaw nilang magkasama sa isang proyekto. “She has her own thing. I have my own thing. We don’t want to confuse that and make people think we are doing something together. She wants to do her own and I want to do my own,” nakangiting pahayag ni Matteo.

Nakatakdang gumawa ng isang album ang aktor sa susunod na taon pero wala raw silang plano ni Sarah na mag-collaborate kahit na sa isang kanta lamang. “It’s still in the works. We are discussing what songs and carefully picking out stuff for it. Sana by next year, ‘yun ang isang dream ko for next year. We just decided na she’ll do her own thing and I’ll do my own. We have different dreams eh,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, umaasa raw si Matteo na sana ay mabawasan na ang intriga sa kanyang personal na buhay sa pagpasok ng 2015. “It’s a fact na there’s always going to be intriga. Hindi talaga mawawala ‘yan. As much as possible, I want to answer all the questions but I just want to respect everybody and her side. So I just want to keep quiet. I hope everybody will understand that. I’m just trying to protect some people and just keep private for a while,” giit pa niya.

Gerald at Maja love ang regalo sa isa’t isa

Sa Lunes ay magsisimula na ang Give Love on Christmas presents Gift of Life na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Maja Salvador. Maituturing daw ng aktres na ang pagmamahal ni Gerald ang pinakamagandang regalong kanyang natatanggap mula sa binata. “Ako siyempre ‘yung love niya. Every day niya ipinaparamdam kung gaano ako kaespesyal. Hindi siya nagsasawa na iparamdam kung gaano niya ako kamahal,” bungad ni Maja.

Para sa dalaga ay ang kanilang unang date ni Gerald ang pinakamagarbong regalo na kanyang naranasan sa aktor. “’Yung first ever date namin, ‘yung may helicopter. Kasi nga love is in the air,” makahulugang pahayag ni Maja.

Para naman kay Gerald ay ang buong pagkatao ni Maja ang pinakamagandang regalong kanyang tinatamasa mula sa aktres. “Siguro sa akin more than boyfriend-girlfriend relationship, mas mahalaga sa akin ‘yung pagkatao niya, kung paano siya. Siya ‘yung tipong kung nasaan man siya o ano man ang ginagawa niya, she will cross the ocean. She will climb a mountain for you on the spot. So para sa akin, alam mo naman love can come and go. Pero para sa akin, mas tini-treasure ko ‘yung pagkatao niya, ‘yung personality niya. Kung paano niya minamahal ang pamilya niya at ‘yung mga taong close sa akin,” paliwanag ni Gerald. Reports from JAMES C. CANTOS  

 

vuukle comment

GERALD ANDERSON

GIFT OF LIFE

GIVE LOVE

MAJA

MAJA SALVADOR

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

NIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with